Sikat na aktres, allergic sa fans?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/24/2010 11:16 PM
Sikat na aktres, allergic sa fans?


Nakaka-disappoint itong nalaman kong chika tungkol sa isang sikat na teleserye actress ha! Akala ko kasi, super friendly siya sa mga fans niya. Pero according to a reliable source, diumano ay may pagka-"allergic" si aktres sa mga fans 'ndash; na nagpapa-autograph at pa-picture specifically.'lt;p'gt;

'nbsp;

Sa isang bakanteng araw niya kasi, nagpunta raw ang sikat na aktres na ito sa isang sosyal na grocery store. As expected natunugan kaagad ng mga tao doon 'ndash; some customers at staff ng store, ang presence niya. Kaya mabilis siyang pinuntahan para magpa-picture lang, at yung iba, makita siya nang malapitan. Wala nang commotion level na naganap. Kaya dismayado ang marami sa naging immediate reaction ni sikat na aktres. Kinuha kasi nito agad ang kanyang scarf, at at ibinalabal sa ulo sabay labas ng grocery. Iniwan na lang niya ang kanyang mga kasamang naggu-grocery para umiwas. Ang tanong ng isang witness, "bakit pa siya nagpunta sa isang grocery store kung ayaw niyang lapitan siya ng tao? Artista siya di ba? Hindi niya ba ine-expect ang ganun?"