• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez: Its not enough that you are cute and lovable you have to have a backbone

Ruffa Gutierrez: Its not enough that you are cute and lovable you have to have a backbone

Ruffa Gutierrez demands that John Lloyd Cruz not to call her if he cannot own up to his actions.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/24/2010 11:04 PM
Ruffa Gutierrez: Its not enough that you are cute and lovable you have to have a backbone


Patuloy pa rin ang ingay ng isyung John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Matapos kasing kumpirmahin ni Ruffa na tinatawagan pa rin siya ni John Lloyd ay nagsalita na rin ang mahusay na aktor at umamin na totoo nga ang chismis. "When I was asked before if I was still in communication with (Ruffa) parang hindi ko madiretso because hindi siya ganun kadaling sagutin. It'rsquo;s not communication kung paano siya ini-insinuate ng ilang mga tao ng ilang mga press, it'rsquo;s communicating na may effort to address some issues na involved kami pareho," ani Lloydy.

Dahil sa mga kaganapang ito ay isang malaking desisyon ang idineklara ni Lloydy. "Maybe it'rsquo;s time to for me stay away from her. Sobra na, eh parang sagad na sagad na 'lsquo;yung ano sa akin, parang masyado naman na akong napapasama na na-realize ko lang na ngayon ka na dapat magsalita."

Sinuportahan naman ni Shaina Magdayao ang kanyang current boyfriend na si Lloydy sa mga pangyayari. "He'rsquo;s being a man, he'rsquo;s being my man. Maraming salamat I think it'rsquo;s really about time na ipagtanggol na rin niya ang sarili niya kasi actually siya naman talaga ang binabato dito, eh," anang aktres.

Samantala, bumaha naman ang mga reaksyon sa Twitter account ni Ruffa hinggil sa kanyang naging statement sa kanyang showbiz talkshow sa kabilang istasyon. Sa kanyang Twitter ay ipinaskil niya ang mga katagang "it'rsquo;s not enough that you are cute and lovable you have to have a backbone." Dagdag pa rito ay sinabi rin ni Ruffa na kung hindi raw kayang panindigan ni Lloydy ang kanyang ginagawa ay huwag niyang tawagan ang aktres dahil may mas importante pa siyang pwedeng gawin bukod sa makipag-usap sa aktor.