• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano on reconciliation with Angel Locsin: Di pwede madaliin

Luis Manzano on reconciliation with Angel Locsin: Di pwede madaliin

Toni Gonzaga says friend Luis Manzano told her that he wants his next relationship to be his last.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/24/2010 10:54 PM
Luis Manzano on reconciliation with Angel Locsin: Di pwede madaliin


Marami pa rin ang umaasa na muling manumbalik ang pag-iibigan nina Angel Locsin at Luis Manzano at hindi itinanggi ni Luis na sinisikap niyang makipag-ayos sa dating girlfriend. "We'rsquo;re trying to patch things up, we have no idea what the future is in store, eh. Honestly right now nalampasan na namin lahat 'lsquo;yung galit, 'lsquo;yung anger, 'lsquo;yung bitterness and everything." 'nbsp;

Inamin din ng actor-host na hindi siya nagpapakakampante sa panliligaw muli sa aktres. "Hindi puwedeng madaliin. I'rsquo;m not getting any younger, and Angel is getting very, very busy and very blessed and sana malatag na naming lahat." 'nbsp;

Nagbigay rin ng pahayag si Luis sa reputasyon ni Angel na hindi binabalikan ang mga naging ex-boyfriend niya. Bilang sagot, sinabi ni Luis na walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap at isang natutunan niya sa buhay ay nangyayari ang mga hindi inaasahan.

Subalit kamakailan ay marami ang naintriga sa ipinaskil ni Angel sa kanyang Twitter account na, 'lsquo;Girls, mag-ingat sa mga manloloko.'rsquo; Marami tuloy ang nagtatanong kung ito ba ay pagpaparinig niya kay Luis. Sagot naman ni Angel nang tanungin siya ng The Buzz, "That'rsquo;s basically it. Mag-ingat lang wala akong pinapatamaan."

Inihayag ng The Buzz host na si Toni Gonzaga na nakausap niya si Luis hinggil sa isyu at sinabing habang ganoon ang status ni Angel, si Luis naman daw ay, "Get ready for the brand new Luis, the changed Luis." Dugtong pa ni Toni, "It'rsquo;s safe to say silang dalawa they'rsquo;re heading to different directions ngayon, base sa pakikipag-usap ko sa kanya." Sinabi pa no Toni na sinabi raw ni Luis sa kanya na ang gusto raw niyang susunod na magiging girlfriend ay ang babaeng kanyang pakakasalan.