• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino encourages ex-hubby James Yap to find a new love

Kris Aquino encourages ex-hubby James Yap to find a new love

The Queen of All Media happily reveals that she and ex-hubby James Yap are now very much okay.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/24/2010 10:41 PM
Kris Aquino encourages ex-hubby James Yap to find a new love


Bumisita kahapon sa The Buzz si Kris Aquino dahil sa espesyal na okasyon, ang birthday ng former co-host at close friend na si Boy Abunda. Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na ma-interview ang isa'rsquo;t-isa subalit ang isa sa mga naging highlight ng interview ay ang pagkukuwento ni Kris na nagkita sila ni Isabel Oli, ang babaeng iniuugnay sa kanyang dating asawa na si James Yap.

Parehong present kasi sina Kris at Isabel sa kasal ng kanilang kaibigan na si Jenny Miller. "I saw her and I went up to her after communion," lahad ni Kris. "And I said, 'lsquo;Hi, I'rsquo;m Kris. I know you'rsquo;re Isabel. Hindi pa nga tayo na-introduce naintriga na tayo, sabi ko finally at least you'rsquo;ve met me." And then she said, 'lsquo;Opo.'rsquo; 'lsquo;Yun na 'lsquo;yon."

Pero sinabi ni Kris na nagdulot ng maganda ang nasabing pagtatago dahil nung gabi ring iyon ay masaya silang nakapag-usap ni James about the issue. "Blessing na nag-ninang ako sa kasal na 'lsquo;yon because that night, dinalaw ni James si Bimby and that was our ice-breaker. "We'rsquo;re at a much better place now kasi nasabi ko sa kanya, 'lsquo;Uy, na-meet ko 'lsquo;yung nali-link sa 'lsquo;yo.'rsquo; Sabi niya, 'lsquo;Ano ka ba, parang sa 'lsquo;yo lang 'lsquo;yan nagkita sa mall tapos naintriga na.'rsquo; Sabi ko, 'lsquo;Whatever.'rsquo; Pero sabi ko, 'lsquo;Sana nga magka-girlfriend ka na 'lsquo;no. Apurahin mo please para ma-annul na tayo talaga.'rsquo; May I just say nga that ice-breaker really helped the both of us kasi first time na nag-usap kami na hindi kami nagsisigawan and galit and eto na happy na-happy si Bimby," saad pa niya. 'nbsp;

Nailabas din daw ni Kris ang sama ng loob niya kay James hinggil sa pagkukuwestiyon ng abogado ng basketball player sa pagiging ina ni Kris. Pero kinlaro ni James na hindi ang abogado niya ang nagkuwestiyon sa kanyang pagiging ina kundi siya dahil nakita raw umano ng basketball player na ang pag-aaway nilang mag-asawa ay nakaaapekto sa kanilang mga anak.

Naintindihan naman umano ni Kris ang ginawa ni James dahil ama siya ng kanilang anak at muling idiniin na maayos na sila ngayon ni James. "Kay James wala nang problema at okay na okay kami."