Kim Chiu: Pag nagmahal maraming pagdadaanan

Kim Chiu and Gerald Anderson admit that their bond has gotten stronger because of the recent controversies.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/24/2010 10:47 PM
Kim Chiu: Pag nagmahal maraming pagdadaanan


Marami ang nagsasabi na hawig sa tunay na buhay ang upcoming movie nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Till My Heartaches End na magbubukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, October 27. Hindi naman ito ikinaila ng dalawang sikat na artista.

"This movie came in the middle of a crisis, intrigues but it made us stronger di ba?" pahayag ni Gerald na tinutukoy ang mga isyu kabilang na ang natatanggap na death-threats sa kanya at sa pamilya dahil sa pagkaka-link kay Bea Alonzo. "What doesn'rsquo;t kill you makes you stronger kaya sobrang mas bonded at mas close kami ni Kim. We survived this together and nothing (bad) can happen." 'nbsp;

Sumang-ayon naman si Kim at sinabing tumindi pa nga ang closeness nila dahil sa pelikula. "Kami ni Gerald parang hindi namin iniisip 'lsquo;yung nangyayari. Kung ano kami ang saya-saya lang namin, parang ine-enjoy lang namin lagi 'lsquo;yung kuwento-kuwentuhan namin."

Inamin din ng aktres na marami siyang natutunan sa paggawa ng pelikula at hindi man niya diretsahang inamin ay nakatulong ito para matuto siya dahil nga malaki ang hawig nito sa pinagdadaanan nila ni Gerald. "Habang binabasa ko 'lsquo;yung kuwento andami kong natutunan and as Kim sa totoong buhay, pwede ko siyang i-apply sa buhay ko and andami kong na-realize na sa larangan ng pagmamahal marami kang puwedeng pagdaanan."