• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN saddened by QCRTCs decision not to issue TRO vs Willie Revillame

ABS-CBN saddened by QCRTCs decision not to issue TRO vs Willie Revillame

ABS-CBN President Charo Santos-Concio gives the network's statement on QCRTC ruling.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/23/2010 11:14 PM
ABS-CBN saddened by QCRTCs decision not to issue TRO vs Willie Revillame


Isinantabi ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ng ABS-CBN na mag-isyu ng temporary restraining order para sa paglabas ng TV show ni Willie Revillame sa kabilang istasyon. Ayon sa korte, nabigo umano ang ABS-CBN na i-justify ang pangangailan na mag-isyu ng TRO para hindi matuloy ang programa ni Willie sa kabilang TV network.

Nagbigay naman ng pahayag si ABS-CBN president Charo Santos-Concio hinggil na nasabing desisyon ng QCRTC. Narito ang buong pahayag ni Ms. Concio.

"Mga Kapamilya, ang ginawa po ni Willie ay isang paglabag sa kontratang kanyang pinirmahan sa ABS-CBN na magtatapos pa sa isang taon. Ang hangarin lang namin ay tuparin sana ni willie ang kanyang obligasyon sa kanyang kontrata. Hindi po ba mahalaga na ipinaiiral natin ang paggalang sa mga kontrata? Kaya po nalulungkot kami na hindi nabigyan ng TRO ang ABS-CBN laban kay Willie Revilame. Huwag sana nating kalimutan na lahat ng ito ay nag-ugat sa walang-galang niyang paghamon at pagbabanta sa ABS-CBN management. Naniniwala kami na mananaig ang katarungan at buong katotohanan. Patuloy naming ipaglalaban ang aming karapatan."'nbsp;'nbsp;