• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz and Angel Locsin talk about love and controversies

John Lloyd Cruz and Angel Locsin talk about love and controversies

Imortal lead stars John Lloyd Cruz and Angel Locsin speak up about the latest controversies about them.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2010 11:47 PM
John Lloyd Cruz and Angel Locsin talk about love and controversies


Sa paggi-guest nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa The Buzz kahapon ay sinagot ng dalawang artista ang mga latest issues na kinasasangkutan nila. Ang malaswang isyung tungkol kay Lloydie kasama ng girlfriend na si Shaina Magdayao at ang latest hinggil sa relasyon ni Angel sa ex-boyfriend na si Luis Manzano.
'nbsp;
Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si
John Lloyd ngayong namatay na ang isyung "vaginal lock" na pinagpiyestahan ng media. "Siyempre ngayon nagpapasalamat tayo dahil tapos na," simula ni Lloydie. "Para bang hinintay lang na pag-usapan, marinig 'lsquo;yung mga sides ng (mga) taong involved. Pero sa totoo lang hanggang ngayon naman parang feeling ko napaka-walang kwento napaka hindi dapat binibigyan ng panahon."'nbsp;
'nbsp;
Idiniin ng aktor na naiintindihan niya ang nangyaring kontrobersya ay parte ng pagpasok niya sa showbiz pero hindi niya inasahang ganito magiging kagrabe ang isyu na kasasangkutan niya. "Naiintindihan ko kung ano 'lsquo;yung pinasok kong trabaho. Malaking parte ito ng pinasok kong trabaho so ang sa akin lang sabi ko nga
it'rsquo;s alarming already na ang ibang tao sa business na ito can go that low." Nakakatakot daw na sa halip na magtulungan ang mga tao sa industriya ay may mga taong mas pinipili na manira ng ibang tao.
'nbsp;
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Angel na wala pang balikang nangyayari sa kanila ng dating
boyfriend na si Luis Manzano. "Safe ko talagang masasabi hindi kami pero we'rsquo;re hoping," pag-amin ng aktres. "Mahirap kasing magsalita sa ngayon basta ako masasabi ko importante sa akin si Luis. Hindi naman magbabago 'lsquo;yon marami na kaming pinagsamahan." At sa ngayon daw ay hindi pa niya masabi kung saan patutungo ang kanilang magandang samahan. "Parang hindi ko pa alam, hindi pa rin namin alam kung saan pupunta. Ayoko rin namang pangunahan, parang bahala na lang po. Huwag ding pipilitin."
'nbsp;
Sa kabilang banda, sa pagtatambal nina
Lloydie at Angel sa primetime teleserye na Imortal, wala raw namamagitang ilangan sa pagitan ni Angel at Shaina, girlfriend ni John Lloyd. "Nagkatrabaho din kami sa Lobo and si Shaina mas matagal ho siya sa industriyang ito, so mas naiintindihan niya ang ganitong bagay," pahayag ni Angel.