Komedyante, lulong sa sugal!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/19/2010 6:00 PM
Komedyante, lulong sa sugal!


DUMARAMI ang mga lalakeng komedyante na nalululong sa bisyong nagiging dahilan ng pagkasira ng kanilang buhay at career. Isang komedyante ang nalululong ngayon sa pagsusugal sa casino. Nagugulat ang mga kaibigan nito dahil madalas na hindi malaman ang kinaroroonan ng komedyante.'lt;p'gt;

Kapag walang trabaho, asahan mo na naka-check in ito sa isang hotel sa Pasay kung saan may malaking casino. Marami ang nakakakita sa komedyante na gumon sa pagsusugal.'lt;p'gt;

Nagsimula ito nang ma-in love ang komedyante sa isang lalake na may bisyo ng pagsusugal. Naging tambayan ng lalake ang casino at naimpluwensiyahan nito ang komedyante. Ngayon, hooked na ang komedyante sa pagsusugal.'lt;p'gt;

Tiyak na magagalit ang manager ng komedyante kapag nalaman na ang alaga niya ang gumon sa pagsusugal. Kilala sa showbiz industry ang talent manager na clean living. Kapag nalaman nito na nahuhumaling sa pagsusugal ang kanyang alaga, posibleng bitawan nito ang pagha-handle dito.

'nbsp;