• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz says he is now more comfortable with Cristine Reyes

Rayver Cruz says he is now more comfortable with Cristine Reyes

Cristine Reyes describes Rayver Cruz at very patient and very humble.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/18/2010 9:24 AM
Rayver Cruz says he is now more comfortable with Cristine Reyes


Kaabang-abang ang pagpasok ni Rayver Cruz sa teleseryeng Kristine dahil bukod sa siya ang magiging third party ng team-up nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, matatandaang minsang ding na-link si Rayver kay Cristine.
'nbsp;
Pero sa The Buzz kahapon ay nilinaw ng dalawa na okay sila at nananatiling magkaibigan. Tinanong ng host na si Toni Gonzaga si Rayver kung bakit nanatiling tahimik ito noong mga panahong naintriga sila ni Cristine kahit na nali-link siya noon kay Sarah Geronimo. "Tahimik lang naman talaga ako. Magulo lang ako 'lsquo;pag sumasayaw," sagot ni Rayver.
'nbsp;
Inamin ni Rayver na pareho sila ng group of friends ni Cristine noon at madalas na magkakasamang lumalabas. Subalit tila naapektuhan ang friendship nang ma-link sila sa isa'rsquo;t isa. Pero dahil sa magkakatrabaho sila, sinabi ni Rayver na masaya siya sa pagsasamahang proyekto. "Mas naging komportable na ako 'lsquo;pag kasama ko siya lalo na pagdating sa work," ayon sa aktor.
'nbsp;
Itinanggi naman ng aktor na nililigawan niya si Cristine pero sinabing mas close sila ngayon ng aktres. Inilarawan din ni Rayver kung ano ang nagustuhan niya kay Cristine. "Kakaiba siya, eh. Kailangan sanay ka sa kanya. Napakabait nito sobra. Minsan tahimik, minsan magulo kaya dapat kinakabisado mo siya. Nung nakilala ko siya, mas naging komportable ako kaagad. Mas nalabas niya 'lsquo;yung tunay na ako kaagad, 'lsquo;yung natural na Rayver. Sobrang totoong tao niya."
'nbsp;
Kinumpirma naman ni Rayver na isa sa mga dahilan para umoo siyang tanggapin ang proyekto ay dahil makakasama niya si Cristine, gayundin sila Zanjoe Marudo at Direk Rory Quintos.