• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on brother President Noynoy: Hes single so hes allowed to date

Kris Aquino on brother President Noynoy: Hes single so hes allowed to date

Queen of All Media Kris Aquino wishes her brother a lot of happiness in his love-life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/18/2010 9:11 AM
Kris Aquino on brother President Noynoy: Hes single so hes allowed to date


Nasa spotlight ngayon ang Pangulo ng Pilipinas na si President Noynoy Aquino hinggil sa diumano'rsquo;y paghihiwalay na nila ng kanyang kasintahang si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad. Ngayon ay tatlong babae ang iniuugnay kay PNoy na kinabibilangan ng isang mestizang babaeng nagngangalang Barbie Palagos, ang news reporter at dating child star na si Trisha Roque, at ang stylist ng pangulo at fashion editor na si Liz Uy. Gayunpaman, itinanggi ng bawat panig na may katotohanan ang mga bali-balita.
'nbsp;
Sa isang press conference ay nagpahaging si PNoy hinggil sa isyu at nagbitiw ng mga salitang "Mahina na ang pag-asa ko paliliitin pa niya," na tila tinutukoy ang babaeng nililigawan. "Hindi na yata kami magkikita muli dahil ayaw niyang center of attention siya," dugtong pa niya.
'nbsp;
Sinabi naman ng kapatid ng pangulo na si Kris Aquino na ayaw niyang panghimasukan ang buhay pag-ibig ng kapatid lalo pa'rsquo;t pinagsabihan siya ng kanyang kuya. "Masunurin naman ako sa batas so quiet na lang ako," biro ni Kris.
'nbsp;
Tila kinumpirma naman ni Kris ang tunay na estado ng kapatid at Shalani. "I think it'rsquo;s very clear where they are right now. You don'rsquo;t have to read between the lines because I think the president has been very clear. Naging mabait naman si Shalani sa aming lahat so I also wish her happiness and of course, I really wish my brother much, much happiness. He'rsquo;s single 'lsquo;di ba, so he'rsquo;s allowed to date. And I think also he'rsquo;s 50 (years old) so you know at 50 naman siguro gusto mo rin namang makahanap ng partner in life and someone to grow old with."