• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on Kim Chiu: Hindi ko kayang magkaaway kami ni Kim.

Gerald Anderson on Kim Chiu: Hindi ko kayang magkaaway kami ni Kim.

Gerald Anderson says he does not believe that the death threats came from Kimerald fans.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/18/2010 9:43 AM
Gerald Anderson on Kim Chiu: Hindi ko kayang magkaaway kami ni Kim.


Buong tapang na nagsalita si Gerald Anderson sa The Buzz kahapon hinggil sa pag-iyak niya sa press conference noong Martes, Oktubre 12, ng pelikula nila ni Kim Chiu, 'lsquo;Till My Heartaches End. "Sinabi ko kung ano 'lsquo;yung nararamdaman ko and I think my emotions took over me pero hindi ko pinagsisisihan 'lsquo;yon. At least alam ng tao kung ano 'lsquo;yung pinagdadaanan namin ngayon. Sana kahit papaano mas naiintindihan nila kami," paliwanag ni Gerald.
'nbsp;
Hindi rin itinanggi ng aktor na ang mga isyung kinasasangkutan nila ni Kim ang naging dahilan upang maiyak siya 'ndash; ang banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya pati na sa buhay ng nali-link sa kanya na si Bea Alonzo. Inamin ni Gerald na sinikap niyang maging okay sila ni Kim dahil hindi niya kayang magkaaway sila. "I did my best and did the extra effort para maging okay kami kasi kaya ko namang talikuran ang lahat. I can go back to Gen. San General Santos, pwede akong mag-aral ulit sa (United) States, ang hindi ko kaya maging magkaaway kami ni Kim." 'nbsp;

Naluha rin ang batang aktor nang ikuwento kung bakit malaking parte ng buhay niya si Kim. "Siya 'lsquo;yung partner-in-crime ko. Siya 'lsquo;yung lagi kong kasama. Kaya kong talikuran ang lahat. 'lsquo;Yun ang 'lsquo;di ko kaya, ang maging magkaaway kami ni Kim. I can give this all up."'nbsp; Maraming beses daw niyang inisip kung ano ang dapat gawin at kung siya raw ang masusunod ay ayaw niya ang may madamay at may nasasaktan subalit hindi siya perpektong tao.
'nbsp;
Ipinagtanggol din niya ang mga fans ng Kimerald na itinuturong ilang miyembro umano sa kanila ang gumawa ng mga death threats. "It'rsquo;s really unfair para sa mga Kimeralds kung sino po 'lsquo;yung nag-support sa amin. It'rsquo;s really unfair for them dahil nadadamay din sila sa isyung ito. Ako po hindi naniniwala kasi kilala ko sila. Naging mga kaibigan ko sila, kami ni Kim."
'nbsp;
Humingi rin siya ng paumanhin kay Bea na nadamay sa isyu. "Nakakahiya and hindi na ho tama dahil ang isyu (is) about me and Kim. Nadadamay pamilya ko, ibang artista. I just wanna say sorry sa mga nadadamay, kay Bea. You don'rsquo;t deserve this and I'rsquo;m sorry problema ko ito at ayaw ko may nadadamay." 'nbsp;
'nbsp;
Muling bumuhos ang mga luha ni Gerald nang magsalita tungkol sa pagtatanggol ni Kim na ayaw ng nakakarinig ng pagbabanta sa kanya at kay Bea. "Ganun si Kim, sobrang bait niya, isa siyang totoong tao. Kung sino nung nakilala ko sa PBB 'lsquo;till this day ganun pa rin siya."
'nbsp;
Malaki ang pasasalamat ni Gerald sa Star Cinema at Direk Jose Javier Reyes dahil sa tulong nila at sa paggawa ng pelikulang ito ay nagkaayos sila ni Kim. Sa tulong daw kasi ng pelikula ay nagawa raw nila ni Kim na mag-usap at ayusin ang hindi nila magkakaunawaan. "Kung ano 'lsquo;yung extra (baggage), 'lsquo;yung dala-dala namin, nalabas namin sa movie. Sa mga eksena, naging okay kami dahil din sa movie napag-usapan namin dahil sa movie na 'lsquo;to