Martin Del Rosario looks forward to more showbiz gigs

The young actor hopes to have a career like Gerald Anderson in the near future.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

10/15/2010 8:28 PM
Martin Del Rosario looks forward to more showbiz gigs


Unang napanood sa telebisyon si Martin del Rosario sa tele-seryeng Natutulog Ba Ang Diyos hanggang sa mapabilang siya sa cast ng Magkano Ang Iyong Dangal, kung saan nakatrabaho niya ang batikang direktor na si Chito Rono. Ayon kay Martin, malaking inspirasyon para sa young and upcoming actors tulad niya ang makatrabaho ang naglalakihang personalidad sa showbiz. "Marami po akong napupulot sa kanila.Kasi,habang nasa taping po ako or shooting,ugali ko po talagang makinig hindi lang sa kapwa ko artista,especially po sa mga directors natin na for me as a newcomer po,lalo po akong nai-inspired sa trabaho ko bilang isang artista."

Naging deretsahan din si Martin sa pagsasabing si Gerald Anderson, na kung saan ay nakasama niya sa ipapalabas na pelikula na Till My Heartaches End, ang kanyang iniidolong aktor sa kanyang henerasyon. "Hindi lang po dahil sa iisa lang po ang manager namin,nakita ko rin po kasi 'yung paglaki niya as an actor that's why po siguro naging inspirasyon ko siya,i mean,marami na rin po siyang napatunayan sa kanyang showbiz career and I want to be like him."

Marami naman ang nagsasabi kay Martin na may potential siya bilang isang aktor lalo pa noong lumabas siya bilang