• Home
  • Fresh Scoops
  • Jose Javier Reyes asks Kim Chiu and Gerald Anderson fans to be more understanding

Jose Javier Reyes asks Kim Chiu and Gerald Anderson fans to be more understanding

Director Jose Javier Reyes pleads with fans to understand what their idols Kim Chiu and Gerald Anderson are going through.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/14/2010 10:04 AM
Jose Javier Reyes asks Kim Chiu and Gerald Anderson fans to be more understanding


During the presscon for Till My Heartaches End last Oct 12, lead stars Gerald Anderson and Kim Chiu broke down in front of the press when asked to talk about their personal lives. This led to Gerald not being able to finish the event due to hyperventilation and Kim barely being able to speak without holding back tears. This led the movie'rsquo;s director Jose Javier Reyes to speak up in defense of his lead stars and request that they be given more respect and privacy. "Sana lang ma-realize ng mga tao na ang mga batang ito na iniidolo natin, minamahal natin at walang karamutan nating binibigyan ng pag-uukol at pag-aaruga, ay mga tao rin. Mga tao rin sila na may mga pribadong damdamin. Mga tao rin sila na may karapatan sa sarili nilang kaligayahan. Kahit pag-aari natin sila, dahil bahagi sila ng ating hinahangaan sa publiko, may kabilang side yun which tunay and pribadong buhay. At kung minsan lamang ay hindi natin alam na dahil sa tindi ng pagmamahal natin sa publikong imahe nila, nasasaktan natin sila sa kanilang pribadong buhay. At kasing halaga ang kanilang pribadong buhay sa kanilang public image."

The award-winning director admitted that he also gets affected when he has to watch his two lead stars go through the stress of dealing with issues about their private lives. "Kaya nakakasakit pag nakikita kong nasasaktan sila dahil sa tunay na buhay, kahanga-hanga yung pinagdadaanan nila eh. Wala akong nakikitang tension. They care for each other, so why are we hurting them? 'lsquo;Di ba, they'rsquo;re just doing their jobs, they have families. Minsan talaga, isa sa pinakamalaking pagkakamali ay 'lsquo;pag yung sobra-sobra mong minahal ang isang tao na nabubulag ka at hindi mo nakikita ang mas importante realidad ng buhay," he said.

Direk Joey also stressed the importance of the difference between being a loyal fan, but still respecting the private life of a celebrity. "Nakita naman natin na hinangaan sila Kim at Gerald, ang pagkakaibigan at kung ano mang relasyon ang meron sila ay nakita nating umusbong sa ating mga mata dahil sa PBB (Pinoy Big Brother). Para tayong nanilip sa buhay nila mula ng sila'rsquo;y napakilala hanggang sa inabot nila itong kinalalagyan nila ngayon. Kinaiinggitan ng karamihan at hinahangaan ng mas marami. Sana lang bigyan natin ng ukol na sensitibong pagmamahal sa kanila na may karapatan rin sila sa kanilang sariling kaligayahan. Hindi po ba? Dahil kung tutuusin ninyo, higit na malaking inspirasyon ang binigay ng dalawang batang ito sa napakarami dito sa mundo nating ang gulo-gulo at kung minsan ay masasamang balita lamang ang nasasagap. Huwag na natin silang saktan. Yun lang," he said.

Direk Joey also warns the public about the realities of fame and the responsibilities of being a celebrity. "Kaya alam niyo, takang-taka ako at kinakabahan ako pag ang dami-daming bata na gusto mag-artista. Hindi nila alam kung ano ang kapalit ng popularidad, kung ano ang kapalit ng lahat ng ningning at palakpakan ng pagiging isang matagumpay na artista. Ang kapalit niyan ay ang iyong responsibilidad sa mga taong magmamahal at hahanga sa inyo. Ang payo ko lamang sa kanila ay kilalanin muna nila ang kanilang mga sarili at tulad ng aking laging sinasabi, huwag na huwag kayong malulunod sa isang basong tubig. Tandaan niyo na lahat ay may simula at lahat ay may pagwawakas. Ang kasama mo sa pagwawakas ay ang mga tunay na nagmamahal sa iyo,&