• Home
  • Fresh Scoops
  • Lack of time and communication supposedly caused breakup of President Noynoy Aquino and Shalani Soledad

Lack of time and communication supposedly caused breakup of President Noynoy Aquino and Shalani Soledad

Pnoy and Shalani Soledad are still keeping the status of their relationship mum.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/11/2010 11:22 PM
Lack of time and communication supposedly caused breakup of President Noynoy Aquino and Shalani Soledad


Matinding usap-usapan ngayon ang isyung diumano'rsquo;y hiwalay na sina Pangulong Noynoy Aquino at ang girlfriend na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Unang umugong ang balita nang maglabas ang isang article ang Philippine Star noong October 8 na isang 'lsquo;di nagpakilalang source ang nagsabi diumano'rsquo;y hiwalay na ang dalawa.

Pagkatapos no'rsquo;n ay isang mas mahabang article ang inilabas naman kinabukasan, October 9, ng Philippine Daily Inquirer at isang 'lsquo;di nagpakilalang source din ang nagpatotoo sa nasabing isyu. Nangyari diumano ang paghihiwalay dalawang linggo ang nakararaaan, ilang oras pagdating ng pangulo mula sa kanyang US trip. Itinuturo ring ang kawalan nila ng maayos na komunikasyon at panahon sa isa'rsquo;t isa ang dahilan ang kanilang breakup.

Sa isang panayam ng pangulo kasama ang ilang
editors ng isang broadsheet ay nagpahapyaw daw si PNoy na hindi raw maiiwasan ang breakup kung sakaling hindi na masaya si Shalani sa kanilang relasyon.

Nagbigay din ng matapang na opinyon sa
Uncensored portion ng The Buzz si Boy Abunda, malapit na kaibigan ng pamilya Aquino, na naniniwala umano siya na break na ang magkasintahan pero nilinaw ni Boy na hindi siya spokesperson ng pangulo. "Ang akin lamang, ang basa ko, totoo ang balita. I would like to credit Shalani every time na iinterviewhin natin, sasabihin niya huwag muna pero hindi tayo sigurado. Ito ba'rsquo;y temporary lamang at pansamanatala at ito'rsquo;y maaayos pa, hindi tayo sigurado."
'nbsp;
Nagkaisa naman ang iba pang hosts na sina
Toni Gonzaga, KC Concepcion at Charlene Gonzalez-Muhlach na bilang pangulo ng Pilipinas ay inuuna ni PNoy ang kanyang responsibilidad sa taong-bayan at ito ay ang pagpapatakbo ng bansa.