• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann denies she is the cause of Jericho Rosales and Cesca Littons supposed break-up

Andi Eigenmann denies she is the cause of Jericho Rosales and Cesca Littons supposed break-up

Andi says she doesn't know Jericho that well to even get to the stage of liking him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/11/2010 12:22 AM
Andi Eigenmann denies she is the cause of Jericho Rosales and Cesca Littons supposed break-up


Si Andi Eigenmann ang itinuturong dahilan sa maugong na bali-balita ngayon na naghiwalay na diumano sina Jericho Rosales at girlfriend na si Cesca Litton. Sa The Buzz kahapon ay ibinalita na nakita diumano sina Andi at Echo na magkasama sa isang concert at sweet na sweet sa isat-sa.

Sa isang panayam ay sinagot ni Andi ang isyung siya raw ang dahilan nag break-up nina Echo at Cesca at hinaluan pa niya ito ng biro. "I really have no idea (about the rumored break-up). Sobrang kinikilig ako, nanginginig ako kay Echo ngayon. Sobrang kinikilig ako pero that'rsquo;s not true (that I am the cause of the rumored split)," paglilinaw ng tinaguriang Heiress of Drama.

"I'rsquo;m very confident na hindi ako (ang dahilan) because he (Jericho) doesn'rsquo;t know me. Parang paano ako naging third party, hindi pa namin nagugustuhan ang isat-isa."

Nagsalita rin si Cesca hinggil sa isyu subalit halatang maingat ang Entertainment Live host sa kanyang pagbibitaw ng mga pahayag. "Wala pong third party kasi ever since naman si Andi naman has been very vocal na crush niya si Echo. Siguro part of her work din na nasasama sa mga intrigang ganon, good for her at least hindi siya 'lsquo;yung tipong nagwawala 'lsquo;pag nadadawit ang pangalan," paliwanag niya.

Nagbigay rin so Cesca ng maikling mensahe kay Andi sa pagkakadawit niya sa isyu. "Hi. Wala lang. Sorry kung nasama 'lsquo;yung pangalan niya basta huwag na lang tayong gumawa ng isyu because for me, ayoko ng'hellip; ayoko talaga ng nega, ayoko ng may nadadamay, ayoko ng may nababastos."