Hayden Kho is discharged from the hospital

After almost a week of confinement, Hayden Kho finally receives his discharge slip from his attending physicians at the Manila Doctors Hospital.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/9/2009 12:14 PM
Hayden Kho is discharged from the hospital


Matapos ma-confine ng ilang araw sa Manila Doctors Hospital gawa di umano ng sakit nitong intestinal flu, kani-kanina lamang ay nasabing nakalabas na ng ospital ang dating doctor na si Hayden Kho. At upang tuluyan na ngang maka-recover, di lamang sa pinagdaanang sakit kundi pati na rin sa matinding traumang dala di umano ng malaking pagsubok na nakaamba sa kanya, ay minabuti raw muna nitong manatili sa bahay ng kanyang mga magulang.

Ani ng mga abugado ng binata kaninang umaga sa isang maikling panayam sa SNN, maayos na nai-clear ng mga doctor ang discharge slip nito maaga pa lamang kanina. At upang suportahan na rin ang statement ng pamilya nitong ibinalita sa SNN kahapon, binigyang linaw rin ng mga lawyers na base sa discharge document ng binata ay walang natagpuang trace ng ecstacy (tulad ng sinasabi ng ilan) o kahit na anong drugs, o alcohol man lamang, sa dugo nito—isa di umanong solidong patunay na hindi tangka ng pagsu-suicide ang dahilan ng pagkakaospital nito.

Tulad rin ng hinihingi ng pamilya ni Hayden sa publiko, ibayong pang-unawa di umano ang kinakailangan ngayon ng binata kaugnay ng malagim na trahedyang kinakaharap nito. Sa naturang usapin nga di umano, hindi ang alegasyon ng tangkang pagpapakamatay ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin sa ngayon; ang pinakaimportante raw sa kasalukuyan ay kung papaano nila matutulungan ang binatang malampasan ang traumang hanggang ngayo’y bitbit pa rin niya sa kanyang kalooban.