The Khos deny Hayden Kho's recent suicide attempt rumor

According to Hayden Kho's family, his sudden hospitalization last week has nothing to do with the wide-spread rumor that he's suicidal.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/8/2009 11:40 AM
The Khos deny Hayden Kho's recent suicide attempt rumor


Nito lamang nakaraang buwan, ipinagkaloob na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang hinihiling ng sexy-actress na si Katrina Halili na pagpapatanggal ng lisensya ng celebrity cosmetic surgeon na si Hayden Kho, kaugnay ng ilegal na pagkuha nito ng video habang sila’y nagtatalik—isang kontrobersyal na video na mabilis rin namang kumalat at matagal na naging bulung-bulungan sa loob at maging labas ng bansa. Matapos ang mahaba-habang paglilitis kaugnay ng kasong inihapag ni Katrina sa kanilang opisina, napatunayan di umano ng PRC na Hayden committed an immoral and dishonorable act kaya kinailangan nilang ibaba ang ganitong uri ng aksyon.

Kaugnay naman ng naturang hatol, panibagong isyu na naman ang pumutok patungkol sa naging reaksyon dito ni Hayden. Nito lamang nakaraang Huwebes, sinasabing nagtangka na naman di umano ang binata na magpakamatay, na siya ring itinuturong dahilan kung bakit ito kinailangang isugod sa ospital noong nasabi ring araw.

Mabilis namang pinabulaanan ng pamilya ni Hayden ang naturang kontrobersya; ani nga ng kanyang mga magulang sa isang written statement na ibinigay nila sa SNN, hindi nagpakamatay ang binata kundi sadyang nagkasakit lamang ito. Paglalahad nga nila ng buong istorya, papunta sana si Hayden noon sa Tagaytay para puntahan ang kanyang mga kaibigan, nang biglang makaramdam ito ng pangangailangan sumuka kaya hininto nito ang sasakyan. Bago pa man daw kasi ang naturang pangyayari, masama na ang pakiramdam ng binata—masakit di umano ang tiyan nito’t nasasabayan pa ng pagkahilo’t pagduduwal.

Hinala ng pamilya ni Hayden, maaaring reaksyon ito ng katawan ni Hayden kaugnay ng mga pagsubok na pinagdadaanan niya ngayon; ngunit taliwas sa sinasabi ng marami, hindi raw ito self-inflicted o tangka ng pagpapakamatay. At upang patunayan pa nga nila ang naturang pahayag, iginiit nilang sa resulta ng blood test na ginawa kay Hayden sa ospital ay makikitang walang bakas ng kahit na anong drugs sa dugo nito.

Gawa na rin ng sensitibong kalagayan ngayon ni Hayden, minabuti na rin ng kanyang pamilya na hingin ang pang-unawa ng publiko. Pagbibigay diin nga nila dito, “We have kept our silence even when so many people were very quick to pass judgment and condemn our son. We have kept our silence even when some politicians ride on the issue in order to gain political mileage. Please allow us some space so that our son can mend his life and find his path.”