Sen. Bong Revilla reacts on son Jolo courting Melissa Ricks

Sen. Bong Revilla may be busy with his campaign for 2010 but he is still up-to-date with his son's love life.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/8/2009 9:02 AM
Sen. Bong Revilla reacts on son Jolo courting Melissa Ricks


There is no stopping Senator Bong Revilla from running again in the coming 2010 elections, sa Senado pa rin ang napiling posisyon ni Sen. Bong at hindi na muna siya tatakbo for a higher position. Nu’ng nakaraang Martes, naghain na ng kanyang COC o certificate of candidacy si Sen. Bong sa Comelec kasama ang may-bahay niyang si Lani Mercado, na tatakbo rin bilang Konresista sa Bacoor, Cavite.

Kung ating maalala, muntik nang tumakbo si Sen. Bong bilang Vice President kaya lang ay pinigilan siya ng amang si Ramon Revilla, Sr. Masakit man, isinantabi muna niya ang nais niyang pagsilbi sa bayan bilang VP dahil na rin sa kahilinganng ama. Nasa ilalim pa rin ng partido Lakas, si Senador Bong at napag-alaman naming adopted candidate rin siya ng ibang partido tulad ng Nacionalista Party. Ang sabi ni Sen. Bong, inilalagay lang daw ang tarpaulin niya ‘pag merong pagtitipon ang NP, pero hindi siya aakyat sa entablado o magtaas ng kamay ng kandidato.

Nilinaw ng Senador, mananatili siya sa partido Lakas, anuman ang mangyari. “ Ang sa akin kasi, paninindigan, ito kasi ang partiodong nagbigay ng kumbaga kung bakit ko narating ito, ang laking tulong sa akin. Bakit ko naman iiwanan, especially nu’ng time na marami nang lumilipat. Kahit anong mangyari, hindi ko iiwanan ang Lakas, kahit sabihin pa ng iba na sinking ship o kiss of death, hindi ko iiwanan ‘yan. No matter what happens to me, my career. Maninindigan ako up to the last. Walang iwanan.” sabi pa ng Senador na matigas ang paninindigan pagdating sa prinsipyo na kanyang pinaniniwalaan.

Dahil nasa partido-Lakas si Senador Bong, tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya sa pagtakbo ni Edu Manzano bilang Vice President? Matatandaang naging mainit ang sagutan nina Sen.Bong at Edu ilang buwan ang nakaraan kaugnay ng isyu tungkol sa Optical Media Board kung saan namumuno naman bilang Chairman si Edu bago siya nag-decide to run for VP. “Si Edu, magka-partido kami kaya siyempre, susuportahan ko siya. Kung anuman ang naging hidwaan namin before, kalimutan ‘yun. Ang importante, pagtulungan natin kung ano ang dapat nating gawin.” Nagkita na ba sila ni Edu pagkatapos ng mga nangyari? “Hindi pa kami nagkikita ni Edu. Pero may gustong mag-middle man sa amin para makapag-usap na rin kami. Ang importante, magtulong-tulong at maipanalo natin sila ni Gibo, para sa bayan. We have to move on. Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan. ” Dagdag pa ni Sen.Bong, na mukhang gusto na rin niyang maging maayos ang lahat sa kanila ni Edu knowing na any moment ay puwede silang magkasalubong sa partido Lakas.

Ipinagmamalaki rin rin ni Sen. Bong ang husay sa pagganap ng anak niyang si Jolo Revilla lalo na sa ipinakitang galing ng binata sa Pepeng Agimat. Siyempre, inusisa na rin si Sen. Bong tungkol sa isyung diumano’y kinaladkad daw at sinampal ni Jolo si Lovi Poe? Mariin namang pinabulaanan ng ama ni Jolo ang lahat ng akusasyong ito. “Hindi magagawang saktan ni Jolo si Lovi. Hindi ganoon ang anak ko.” Sabi pa ni Sen.Bong, na pinanindigang may respeto sa babae at pinalaking may takot sa Diyos si Jolo. Tinanong din si Sen. Bong kung ano ang masasabi niya kay Rosanna Roces na tila hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita laban sa kaya at sa buong pamilya Revilla. Napangiti na lang Ang guwapong Senador sabay sinabing, “No comment ako riyan!”

Tinanong din ng ABS-CBN.Com ang poging Senador, ano ang masasabi niya sa isyung nililigawan daw ni Jolo ang leading lady niyang si Melissa Ricks kaya nagseselos ang rumored boyfriend ng aktres na si Jake Cuenca. Any comment? “Hindi totoo ‘yan. Sina Lovi at Jolo pa rin.” Tinanong namin ang ama ni Jolo, sa tingin ba niya’y kanino nagmana sa pagiging charmer ang b