• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta admits she is still affected over not getting her rightful inheritance

Sharon Cuneta admits she is still affected over not getting her rightful inheritance

Megastar Sharon Cuneta could not help but voice out how hurt she and her other siblings are over not getting what is rightfully theirs.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/7/2009 1:37 AM
Sharon Cuneta admits she is still affected over not getting her rightful inheritance


Inamin ni Sharon Cuneta sa isang interview sa The Buzz na hindi niya nakuha ang mana sa kanya ng kanyang yumaong ama na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta. “Hanggang ngayon galit ako, masakit ang kalooban ko,” simula ni Sharon. “May kinikita naman ako, eh ang mommy ko hindi naman nagbago ang lifestyle. Pero marami akong kapatid na dini-deserve sana nila ‘yung I’m sure inipon at pinaghirapan ng tatay ko para sa aming lahat. Ang nangyari iba ang yumaman.”

Ito ang makahulugang rebelasyon ng Megastar subalit tumangging pangalanan ang tinutukoy na tao. “Eh magaling siya, so siyempre wala kaming ebidensya so syempre siya ang pinagtiwalaan. Bahala na si Lord do’n, hindi naman natutulog ang Diyos. It’s not something that consumes me pero marami kaming anak ni daddy na minahal niya pero naalala ko ngayong nanay ako’t lumalaki ang mga anak ko, unfair talaga,” pagpapatuloy ni Sharon. “Ako talaga sa maniwala kayo at sa hindi, alam ng lahat ng taga-Pasay, wala kaming minana except my mama’s house pero hindi yun ‘yung alam namin na dapat manahin namin, hindi yun ‘yung sinabi ni Daddy.” Idinagdag pa ni Sharon na ang ipinaglalaban lang umano niya ay ang tama at ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang sitwasyon. “Basta ako hindi naman kami gutom. Baka nga mas marami pa akong kinita’t naipon sa tatay ko.”

Samantala, at this point in time in her career naman ay wala na umano siyang dapat patunayan pa sa kanyang sarili pero gusto pa rin umano niyang maging proud sa kanya ang kanyang mga taga hanga. Pero pagdating naman sa kaibigan, inamin ni Sharon na mas naging maingat na siya sa pagpili ng mga kaibigan ngayon. “I treasure those who deserve to be treasured and life’s too short. Nag-start ako nung mag-40 ako kasi na-realize ko, teka ‘yung mga ‘to parang hindi dapat maging best friend kasi ilang beses ka nang napaso. Kasi meron sa listahan mo…di na dapat ito pini-friend wala nang ginawa ito kundi humingi ng… ako si give siya si take, alam mo ‘yon? ‘Di na dapat ganon,” paliwanag niya.

Masaya ring kinumpirma ni Sharon na magkaibigan na sila ng kanyang ex-hubby at nagbabalik-showbiz na si Gabby Concepcion. “As far as I’m concerned, wala akong sama ng loob na kasi when you’re in a happy place in your own personal life there shouldn’t be any room for ill feelings,” anang singer-actress.

Sobrang excited naman siya sa pagpasok ng 2010 dahil marami pa umano siyang sorpresa pagdating sa kanyang career. “Punong-puno. Nakatataba ng pusong sorpresa at sana nakapapayat sa akin,” biro pa niya. Bukod sa kanyang birthday concert sa Enero, nakatakda ring gumawa ng magazine si Sharon at marami pang movies.