• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz names his top choices as future leading ladies

John Lloyd Cruz names his top choices as future leading ladies

Having signed a three-picture contract recently with Star Cinema, John Lloyd admits to dreaming of working with three top actresses today.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/7/2009 1:28 AM
John Lloyd Cruz names his top choices as future leading ladies


Kamakailan ay pumirma si John Lloyd Cruz ng three-picture contract with Star Cinema at binanggit niya ang ilan sa mga leading ladies na nais niyang makasama sa mga gagawing pelikula. Una na rito si Angel Locsin na nakaplanong niyang makasama para sa isang teleserye next year. “Good thing na gagawa kami ng soap next year, ‘di ba ‘yung trend kapag gumawa kayo ng soap gagawa rin kayo ng movie?” pahayag ni Lloydy. “So baka mangyari din ‘yon with Angel.”

Sunod na binanggit ni John Lloyd na sana ay magkaroon pa ng third installment ang dalawang naunang pelikula nila ni Sarah Geronimo, ang A Very Special Love na sinundan ng You Changed My Life. “I’m still hoping na mangyari siya pero kung hindi man siya part three or kung another picture na entirely, okay din,” sambit ng aktor.

Hoping din ang best actor na makagawa ng pelikula with KC Concepcion, at matatandaang nagkaroon ng balita dati na magtatambal dapat ang dalawa. Sa isinagawa namang poll question ng isang episode ng Showbiz News Ngayon o SNN noong nakaraang linggo, pinakamataas ang nakuha ni Kim Chiu na gusto ng mga tao na makatambal ni Lloydy sa pelikula with a whopping 46.58 percent na sinundan ni Anne Curtis na 29.67 at KC na 23.75.

Focused naman ngayon ang aktor sa paggawa niya ng pelikula with Bea Alonzo na Miss You Like Crazy. Nakakailang shooting days na umano sila. “Actually the first ten days mahirap ‘yan dahil parang nangangapa ka pa with your character, the tone,” paliwanag niya. “Ito naman ang maga-guarantee namin sa lahat ng nag-aabang especially sa mga supporters namin ni Bea, na ginagawa namin ang lahat para mapaganda at makapagbigay kami ng isang makulay at napakagandang pelikula para sa kanilang lahat.”