Did Hayden Kho make a second attempt to commit suicide?

There are rumors circulating that Hayden Kho is deeply depressed because his doctor's license was revoked.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/7/2009 1:23 AM
Did Hayden Kho make a second attempt to commit suicide?


Parang apoy ngayon na kumakalat ang balitang nagtangkang magpakamatay diumano si Hayden Kho dahil sa mga kasalukuyang kontrobersya na kinasasangkutan nito, kabilang na ang pagkaka-revoke ng doctor’s license niya bilang resulta ng demandang isinampa laban sa kanya ni Katrina Halili nang pumutok ang sex video scandal nila noong Mayo. Matatandaang noong nakaraang taon ng Disyembre ay nagtangka ring mag-suicide si Hayden nang maghiwalay sila ng dating girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Nagsimula ang balitang pagtatangka ni Hayden sa kanyang buhay nang isang litrato ang kumalat na nagpapakita ng isang taong nasa stretcher papasok ng ospital. Ito’y diumano si Hayden na nagtangkang magpakamatay. Nang mag-imbestiga ang The Buzz team, nakarating sila sa Silang, Cavite kung saan natagpuan umano si Hayden sa isang pinyahan na wala sa normal na kondisyon at nagtangkang tumalon ng pader. Isinugod siya sa ospital at sinabi ng doctor na nag-attend kay Hayden diumano na tila nagpapakita ito ng sintomas ng depression.

Sa ngayon ay naka-confine si Hayden sa Manila Doctors Hospital na naglabas naman ng official statement na nagsasabing nilalagnat ang controversial celebrity dahil umano sa intestinal flu o gastric ulcer. Lumabas naman sa isang tabloid na nagtangkang magpakamatay umano si Hayden sa pag-inom nito ng siyam na ecstacy pills.

Sa The Buzz kahapon ay ikinuwento ng host na si Kris Aquino na nang isugod umano si Hayden sa Manila Doctors Hospital ay naroon ang isang unit ng ABS-CBN dahil sa isang taping at marami umanong miyembro ng staff ang nakasaksi at nakarinig sa pagsisigaw umano ni Hayden sa pangalan ni Dra. Belo. Gayunpaman, sinabi rin ni Kris na hindi dapat maging mabilis sa paghusga lalo na’t kung sinabi ng ospital na health problems ang iniinda ni Hayden. “If that’s what the doctor is saying, huwag muna natin siyang husgahan na nagtangka nga siyang magpakamatay kasi parang give them that privacy.”

Ikinuwento naman ni Ruffa Gutierrez ang napag-usapan nila ni Dra. Belo regarding the matter. Sinabi umano ng controversial beauty practitioner na wala na raw sila ni Hayden subalit all out support pa rin siya sa huli dahil may pinagsamahan naman sila. Ibinahagi rin umano ni Dra. Belo kay Ruffa na nais na umanong magpakamatay ni Hayden dahil sa pakiramdam niya na nahusgahan na siya at pakiramdam daw nito ay pinatay na siya. Mula umano nang ma-revoke ang lisensya niya sa pagka-doktor ay lumayo umano si Hayden sa mga tao kabilang na ang kanyang pamilya at kay Dra. Belo.

Kinatigan naman ni Boy Abunda ang sinabi ni Kris na ang mga kilos ni Hayden ay malinaw na senyales na nangangailangan siya ng professional help at dapat ay hindi maging padalus-dalos sa paghuhusga at hintayin si Hayden na magpaliwanag.