• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro explains 'Showtime' is different from other talent-search shows

Vhong Navarro explains 'Showtime' is different from other talent-search shows

Vhong Navarro says Showtime's main goal is to entertain viewers more than showcasing contestants with extreme talents.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 7:45 PM
Vhong Navarro explains 'Showtime' is different from other talent-search shows


Muling mapapanood si Vhong Navarro sa primetime block sa teleseryeng Kokey @ Ako kung saan makakasama rin niya si Angel Locsin na ipapalabas sa susunod na taon. Matatandaang pumatok ang Lastikman ni Vhong noong 2007 na intended din para sa mga bata. Ayon kay Vhong fulfilling ang gumawa ng ganitong proyekto dahil nakapagpapakita ka ng magandang halimbawa para sa mga kabataan.
 
On the other hand, maituturing ding successful ang morning talent-search show ni Vhong kasama si Anne Curtis, ang Showtime. Ang daily morning show na ito ay nakapagtatala ng mataas na ratings. “Sa ratings, sobrang happy kami. Dahil ‘yung grupo namin natutuwa kasi parang experiment ito, eh. At least nag-click sa mga kapamilya natin para i-enjoy nila. Kahit na wala kaming ipinamimigay na pera, nae-enjoy ng ating mga manonood,” say ni Vhong.

Sa kabila rin ng mga nagsusulputang talent-search programs ngayon, ano nga ba ang ipinagkaiba ng Showtime sa competitors nito? “Kasi ang Showtime naman ‘di naman importante dito ‘yung sobrang talented ka, eh. Kaya nga sinasabi namin lagi ng mga hurado rito, ang importante maaaliw mo ang mga viewers, hindi kailangan ‘yung sobrang talented ka,” paliwanag ni Vhong.

Kasabay nito, iniintriga rin ang Showtime dahil pine-preempt umano nito ang susunod na show, ang Wowowee. Itinanggi naman ito ni Vhong. Aniya, isa itong konsepto na nagpapakita ng galing ng mga Pilipino sa larangan ng performing arts. “And ako, as a host, ginagawa ko lang ang tungkulin ko para ma-entertain natin ‘yung ating mga kapamilya na nanonood."

Iisang network naman tayo tsaka si Kuya Willie (Revillame) kaibigan ko naman. Wala namang problema don. Tsaka kami nagtatrabaho lang. Si Kuya Willie nagtatrabaho lang mahal na mahal lang namin ‘yung show namin. Si Kuya mahal lang din niya ‘yung show niya. So tulungan tayo,” pagtatapos ng komedyante.