Has KC Concepcion really fallen for Piolo Pascual?

KC Concepcion says that it would take time for her and Piolo Pascual to know what they truly feel for each other.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 7:54 PM
Has KC Concepcion really fallen for Piolo Pascual?


Sa ginanap na farewell presscon ng Lovers in Paris noong Biyernes (December 4), walang magawa si KC Concepcion kundi hayaan si Piolo Pascual na sagutin ang isyu tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kaugnay ito ang pambubuko na ginawa ng kanilang director na si FM Reyes na siyang nakasaksi sa kakaiba nilang pagtitinginan sa set. Kung si Piolo ay hindi mapakali sa kanyang upuan, si KC naman ay halos maiyak na sa tensyon dahil sa sunod-sunod na tanong ng press. Na kesyo kinahihiya daw ba siya ni Piolo kaya ayaw nitong aminin na sila na. “Why keep it secret if it’s true love,” dagdag pa ng isang kolumnista. Hindi na tuloy nito napigilang sumaglit sa ladies’ room upang manumbalik ang kanyang lakas ng loob kahit papaano. Pagbalik niya sa presidential table, nakita pa ng ABS-CBN.com na kinurot niya si Direk FM na tila nagpapahiwatig na huwag na nitong ikwento ang mga pinagdaanan nila ni Piolo sa likod ng kamera.

Pero tuloy pa rin sa pagkukwento si Direk FM na tila nagkaroon ng tampuhan ang dalawa sa last shooting day nila ng Lovers in Paris noong Huwebes dahil “iyak ng iyak si KC kahit na hindi naman crying scene,” habang si Piolo naman ay mainit ang ulo. Pero ayon sa dalaga, dala lamang daw ito ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang show. “Siyempre po I don’t know when I’m doing my next teleserye. And personally madami talaga ako napagdaanan bilang Vivian at bilang KC. This was probably the longest I’ve worked on a project sa buong buhay ko. Akala ko matagal na yung teatro. Apat na buwan na magkakasama lahat, ang daming shows... Pero ‘pag teleserye pala, you have no idea how close you can get to people. Especially yung ganito na a lot of the things na ginagawa ko for work, personal for me. Hindi lang siya yung time in time out na opisina. So parang ang hirap lang din nung detachment.”

Hindi man hayagang nagbigay ng detalye si KC, inamin niya sa huli na nadala siya sa emosyon ng kanyang character na si Vivian to the point na nagkaroon na rin siya ng feelings para kay Piolo. Kaya siguro madali na lang para sa kanila ng binata na maging super sweet sa kanilang mga eksena kahit na sobra-sobra na ito sa hinihingi ng kanilang direktor. Ngunit nilinaw din niya na kailangan pa nila ni Piolo ng konting panahon para malaman kung totoo ba ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. “Hindi kasi ako showbiz mag-isip. Sa totoo lang po nahihirapan ako dun sa maraming interpretasyon... Parang siguro, through this whole process of making the teleserye, it's nice if you're able to make the scenes real for you. So kung ano mang mangyari in the process of making the character real to you, you'll only find out [what it really means] after it’s over; when weeks and months have passed and it’s still the same. Yun na lang siguro.  It takes time,” giit niya.