Vhong Navarro admits he's dating again

Vhong Navarro says his Christmas this year will be happy because he has a new teleserye and a new love.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/4/2009 8:55 AM
Vhong Navarro admits he's dating again


Matapos ang kanyang breakup sa long-time girlfriend na si Desiree Del Valle, umamin si Vhong Navarro na meron na siyang bagong dine-date. Ngunit ayaw ni Vhong na pagusapan masyado ang kanyang love life lalo na’t non-showbiz ang bagong babae sa buhay niya. Sa pictorial ng bagong teleserye na Kokey @ Ako ay maikling “Meron” lang ang naisagot ng aktor sa tanong kung may dine-date na siya na sinundan ng hagikhik na parang kinikilig. Kitang-kita sa mukha ng actor-dancer na masaya siya sa ngayon.

Pero bukod sa non-showbiz girl na kanyang dine-date ay may isa pang bagong babae na dumating sa buhay ni Vhong, at ito ay walang iba kung hindi si Angel Locsin. Ang International Emmy-nominated actress ang magiging leading lady ni aktor sa inaabangang Kokey @ Ako.

Kaka-breakup lang ni Angel at Luis Manzano, na nagkataong malapit na kaibigan ni Vhong. Pero tulad ni Vhong ay tikom ang bibig ni Angel ukol sa split nila ni Luis at mukhang handa naman na ang aktres na mag-move on mula sa pangyayari. Ngunit sa story conference ng Kokey @ Ako ay hindi napigilan si Vhong sa pang-aasar kay Angel na, “I’m lucky to have you!” na tumutukoy sa “Lucky” na palayaw ni Luis. Natatawa na lang si Angel at mukhang nakikita nang magiging makulit ang kanilang pagtatrabaho ni Vhong para sa Kokey @ Ako.

Excited man para sa panibagong teleserye ay inamin ni Vhong na lahat silang mga artista at production team ay nadadama ang pressure na makakuha ng mataas ng ratings tulad ng mga nagdaang teleserye ng ABS-CBN. “Sobra ang pressure sa amin kasi lahat ng primetime teleserye ngayon e ang tataas ng ratings. Next year kami eere kaya kinakabahan kami kung kaya ba naming makipagsabayan. Pero hopeful naman kami lahat na magiging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa pagbabalik ni Kokey. Sana makagiliwan ng mga bata at ng buong pamilya ‘yung kwento ng Kokey @ Ako.”

Matapos gumanap bilang Nicolas sa I Love Betty La Fea, nakuha uli ni Vhong ang karangalan na magbida sa isa pang malaking teleserye project. Bukod sa pagiging leading man ni Angel, isa pa sa ipinagmamalaki ng aktor sa Kokey @ Ako ay makakapagturo sila ng isang mahalagang leksyon sa mga batang manonood. “Sa May Bukas Pa nagpakita tayo ng mga Christian values at ‘yung faith natin kay Bro. Dito naman sa Kokey ipapakita ‘yung kahalagahan ng pagaalaga sa ating kalikasan. Napapanahon itong issue na ito dahil pinaguusapan ito sa buong mundo. Siyempre dahil sa mga nangyaring kalamidad, ‘yung Bagyong Ondoy at Pepeng, natutunan natin na hindi pala birong magalit ang kalikasan. Tayo rin ang maaapektuhan sa pagpapabaya natin. Magandang ‘yung mga batang manonood e matuto.”