Rhap Salazar would like to sing a duet with Whitney Houston

If Charice had the chance to sing a song with Celine Dion, Rhap on the other hand will pick Whitney Houston as his duet partner.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 12:22 AM
Rhap Salazar would like to sing a duet with Whitney Houston


Kamakailan lang ay inilunsad ng Star Records ang bagong self-titled album ni Rhap Salazar.Hindi sukat akalain ng sikat na rin ngayong little recording artists ng Star Records na siya'y papalakpakan ng dumalong invited press people sa kanyang album launching. Milya-milya na nga ang narating ni Rhap simulang magwagi itong big winner sa Little Big Star Search ng ABS-CBN noong taong 2005. Kasabay ng kanyang pag-angat at pagsikat ay ang mga nakamit nitong international recognitions tulad ng Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World at Junior Grand Champion Performer of the World sa prestigious talent search for The Worlds Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.

Kamakailan lang,muling nagpakitang-gilas ang batang singer nang kantahin nito ang kanyang sariling version ng “All By Myself” sa TV show ni Ellen Degeneres kung saan naging very vocal si Rhap Salazar sa pagsasabing ito ay isang karangalan para sa kanya. “Inimbitahan po nila kami dahil napanood daw po ng Ellen ang music video ko sa Youtube. Tinawagan po kami,tapos, 'yun, umalis po kami kaagad para sa Ellen. Kasi po, nung birthday ko, isa rin po 'yang makapag-guest ako sa Ellen ang hiniling ko. Nagkatotoo naman po at tuwang-tuwa po ako. Actually, nung makita ko po si Ellen, natuwa po ako pero naiilang po ako sa kanya. Sabi po ng manager ko, hug her, ayun hinug ko po si Ellen,” kuwento ni Rhap sa presscon. Pangarap niya rin bang makapag-guest sa Oprah kung saan nag-guest din noon si Charice Pempengco? “Kapag nabigyan po ako ng pagkakataon, gustong-gusto ko po talagang makapag-guest sa Oprah. Kahit sino naman po siguro, gusto talagang makapag-guest doon.”

Nagkaroon ng katuparan ang pangarap noon ni Charice Pempengco na maka-duet si Celine Dion. Sino naman kaya ang gustong-gustong maka-duet ni Rhap among our international singers? “Gusto ko po talagang maka-duet si Whitney Houston lalo na po ngayon na nagbabalik na rin po siya sa recording scene at may bago pa nga po siyang album,” sagot ni Rhap. Sa self-titled album ni Rhap, kitang-kita na puro kanta ni Michael Jackson ang kanyang ni-revive. Naging choice niya rin ba kaya ito? Ganoon ba niya ka-idolo ang namayapa nang sikat na Michael Jackson? “Opo. Nung mabalitaan ko po sa news na namatay na nga siya, siyempre po, nalungkot din ako bilang isang umiidolo sa kanya. Pero sa album po, nabigyan din po ako ng chance to choose kung anong mga kanta ang gusto ko kaya eto na po siya ngayon."

Among our local recording stars, naging maboka si Rhap Salazar sa pagsasabing si Jed Madela naman ang kanyang iniidolo. “Siya po talaga. Kasi, si Jed po ay isang napakagaling na singer, performer, ang taas po ng boses niya, sobrang hangang-hanga ako sa kanya. Kasi, kahit sino po tatanungin natin, si Kuya Jed po talaga, sobrang taas ng boses," pagbabahagi pa ng young singer. How does it feel naman para sa kanya kapag sinasabi nilang siya raw ang Juniour Jed Madela? “Siguro po dahil sa kung anuman po 'yung nakuha niya noon na medals nung nanalo siya sa category niya, nakuha ko rin po ngayon sa junior category na sinalihan ko, kaya po siguro nila nasabi ang ganoon. At saka marami na rin po ang nagsasabi sa akin na mataas daw po talaga boses ko."

Sa kasikatang kanyang tinatamasa sa ngayon, anu-ano pa ba ang kanyang gustong gawin at patunayan? “’Yung gumanda pa po ang singing career ko, makilala din po ako abroad at makapag-ipon ng pera para makabili na rin po ako ng sarili kong sasakyan at bahay. More blessings pa po sana sa singing career ko,” tapos ni Rhap.