• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual feels 'uneasy' speaking about the real score between him and KC Concepcion

Piolo Pascual feels 'uneasy' speaking about the real score between him and KC Concepcion

Piolo Pascual insists he wants to protect what's he's having right now with KC Concepcion.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 12:40 AM
Piolo Pascual feels 'uneasy' speaking about the real score between him and KC Concepcion


Halos himatayin na si Piolo Pascual sa ginawang panggigisa sa kanya ng entertainment press sa farewell press conference ng Lovers in Paris. Noon pa man ay kinukilit na ng lahat si Piolo na aminin kung may romance na nga bang namumuo sa kanila ng kanyang teleserye leading lady na si KC Concepcion. Dahil hindi makasagot nang maayos si Piolo sa press con ay ang direktor na nang show na si Erick Reyes ang nagbuko sa mga nasaksihan niyang ka-sweetan ng dalawa sa loob ng sampung buwang taping, lalo na nung pumunta sila sa Paris para mag shoot.

Isa sa mga nakakalokang rebelasyon ni Direk Erick ay noong kukunan ang isang ‘wedding scene’ ay naging mainit ang ulo ni Piolo, samantalang si KC ay nakitang umiiyak. Bago pa isipin ng mga tao na may nangyaring ‘lover’s quarrel’ sa set ng Lovers in Paris ay agad ipinaliwanag ni Piolo ang dahilan ng kanyang pagsusungit sa taping. “I was really sad. It was the first time nag-dwell ako sa ganung kalungkutan. Ang bilis kasi natapos ‘yung teleserye. Sanay ako na tumatagal ‘yung show ko ng six months the least. How can something so beautiful like this end so soon? Naisip kong mag-dwell sa kalungkutan buong araw para sa mga susunod na eksenang mabibigat that day e madali nang umiyak, ha ha ha! Pero hindi mainit ang ulo ko but I just have to focus on my work.”

Sa kagustuhan ni Piolo na lusutan ang pangpe-pressure sa kanya ng mga reporters ay makailang beses na napilipit ang kanyang dila. Habang pinagpapawisan at halatang nate-tensyon ay ipinaliwanag ni Piolo na gusto lang niyang protektahan kung anong meron sila ni KC sa ngayon. “Sa ten months naming pagtatrabaho together I must say that what we value the most is the friendship na na-develop between us. We really treasure what we’re having right now, and we have made a promise na kung ano man ‘yung meron kami ngayon at kung saan man ito pupunta we would want to keep it to ourselves. It’s not that we are depriving our fans or the media of what they need to know. We understand na napaka-public ng mga trabaho namin. But we want the relationship to grow naturally. Ayaw rin naming may masabi ‘yung mga tao around us.”

Sa mga nakaraang panayam kay Piolo ay sinabi na niyang baka pagkatapos na lang ng Lovers in Paris siya magkukwento kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nila ng panganay na anak ni Sharon Cuneta. Ngayon tapos na ang taping at one week na lang eere ang teleserye ay marami ang umasa na tutupad ang aktor sa kanyang sinabi. Ngunit ikinalungkot ng mga press na wala pa ring malinaw na sagot mula kay Piolo, kahit simpleng ‘oo’ o ‘hindi.’ “It’s too early to say kung ano ba talaga ang meron kami. At this point KC is just starting with her career. Gusto kong i-enjoy muna ni KC ‘yung success niya. As we go along na lang siguro. What’s really important is okay kami ni KC at hindi pa tapos.”

Dahilan ng Ultimate Heartthrob, nasubok na rin ang kanilang samahan ni KC dahil sa mga naglalabasang intriga tungkol sa kanilang dalawa. Dumating sa puntong sila at ang mga taong nasa paligid nila ay nasaktan dahil sa mga maling chismis. “We both have gone through different intrigues. We almost came to the point na nagkasakitan kami because of what we have heard from other people. Sa mga naririnig namin halos kaming dalawa hindi na kami magkaintindihan kung what was really going on. We both figured that for us to be okay it is best if we don’t talk about it too much. Pagpaumanhin niyo na po pero we just want to protect our relationship.”