Mariel Rodriguez gets chased by an aggressive fan

After her program Pinoy Big Brother Double Up Uber, Mariel Rodriguez is caught in surprise to find a mentally-challenged fan insistently running after her.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 12:16 AM
Mariel Rodriguez gets chased by an aggressive fan


Matapos ang programa niyang Pinoy Big Brother Double Up Uber kahapon, isa di umanong kagimbal-gimbal na insidente ang bumulaga sa aktres at tv host na si Mariel Rodriguez. Paglabas pa lamang daw ng dalaga ng PBB House, isang very aggressive fan and di umano’y humabol sa kanya hanggang sa makasakay siya ng kotse. Aminado naman si Mariel na talaga namang ikinatakot niya ang naturang pangyayari. Maikling pagbabahagi nga niya kaugnay nito, “Natakot talaga ako. Sinusundan talaga niya ako hanggang sa makasakay ako ng car. As in tumakbo talaga siya tapos gina-ganon (thumping) niya car ko.”

Hinihinalang may problema sa pag-uutak ang naturang stalker. Bago pa man raw kasi ang naturang pangyayari, binalaan ng mga gwardya ng PBB House si Mariel na mayroong lalaking aali-aligid at nagpipilit pumasok para makita siya. Unang dahilan daw nito’y kamag-anak siya ng dalaga, at maya-maya nama’y sinasabi na nitong asawa siya ng tv host at wala na raw gatas ang anak nila kaya kailangan silang magkausap.

Sa kabilang banda naman, minarapat na lamang ng boyfriend ni Mariel na si Zanjoe Marudo na huwag nang palakihin pa ang isyu. Matapos ang pagbibilin ng ibayong pag-iingat sa dalaga, nagawa pa nitong magbiro. “Ingat na lang siguro. O.A. [over acting] naman kasi kung may gwardya siya. Ako na lang bayaran niya; ako na lang maging gwardya niya. (laughs).”