• Home
  • Fresh Scoops
  • Krista Ranillo, a no show during her clinic endorsement press conference

Krista Ranillo, a no show during her clinic endorsement press conference

To all the press people's dismay, controversial sexy actress Krista Ranillo did not show up during her supposed clinic endorsement press conference.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/4/2009 12:04 PM
Krista Ranillo, a no show during her clinic endorsement press conference


Sa dapat sana’y press conference ni Krista Ranillo kaugnay ng kanyang clinic endorsement ay maraming miyembro ng press ang nadismaya. After hours of waiting during the said conference, no show pa rin daw di umano ang sexy actress na nali-link ngayon sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Kaugnay ng naturang ‘di pagsipot ng dalaga, iba-iba na namang espekulasyon ang namuo sa pagitan ng press people; mayroong ilang nag-isip na marahil ay tactic na rin ito ng dalaga para maiwasan ang maiinit na intrigang maaaring ibato sa kanya, o di kaya’y sadyang natatakot lamang itong humarap sa media.

Agad namang pinabulaanan ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria ang muli na namang nagsusulputang haka. Mariing bulalas nga niya kaugnay ng naturang isyu, “Wala naman siyang dapat iwasan na isyu... Hindi siya natatakot. Matapang ‘yon. Di rin siya nagtatago, nagpalamig lang.”

Patungkol naman sa tunay na dahilan ng hindi pagdalo ng dalaga sa naturang event, maaga pa lamang daw ay naipaalam na nila sa kinauukulan ang kawalan ng kasiguruhan ng pagpunta niya. Nagkataon daw kasing may prior commitments na si Krista, at sadyang hindi na-anticipate ang tiyak na araw ng pagbabalik niya sa bansa. Mabilis namang sinuportahan ng may-ari ng ineendorsong clinic ang pahayag na ito ni Arnold.

Para naman sa mga taong nag-aantay pa rin ng sagot mula kay Krista kaugnay ng maiinit na bulung-bulungan patungkol sa tunay na relasyon nila ni Manny Pacquiao, malugod na ipinaalam ng naturang manager na mayroon silang hinahandang press conference upang bigyang linaw ang lahat ng ito oras na makabalik ang dalaga sa bansa.