• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto on her acting award: 'Kapag nagdasal ka lahat ng hihilingin mo ibibigay Niya'

Gretchen Barretto on her acting award: 'Kapag nagdasal ka lahat ng hihilingin mo ibibigay Niya'

Gretchen Barretto says 2009 has indeed been a very good year for her.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/5/2009 12:28 AM
Gretchen Barretto on her acting award: 'Kapag nagdasal ka lahat ng hihilingin mo ibibigay Niya'


Hawak-hawak ni Gretchen Barretto ang dala niyang rosaryo nu’ng makausap ng ABS-CBN.com during the pictorial para sa lahat ng winner sa katatapos lang na 23rd Star Awards for Television. Nanalo si Gretchen sa kategoryang Best Single Performance by an Actress para sa mahusay na pagganap niya bilang mistress ng isang mayor na ginamapanan ni Philip Salvador sa episode ng Maalaala Mo Kaya na pinamagatang “Salamin.” “Yes, hawak-hawak ko siya. Nagdadasal po ako five mysteries everyday, four to five. Today ata mas marami. Hahaha! Naiyak ako dahil totoo pala na kapag nagdasal ka lahat ng hihilingin mo ibibigay Niya,” very emotional na pahayag ni Gretchen.

Sa acceptance speech ni Gretchen dinedicate niya ang kanyang award sa kanyang lover, partner and her true love na si Tony‘Boy’ Cojuangco na nakaupo sa audience katabi ang nag-iisa nilang anak na si Dominique. Patunay lang daw ito na talagang solid pa rin ang relasyon nila ni Tony Boy amidst all the rumors and speculations. “Siyempre, lahat naman ng relasyon nagkakaroon ng konting unos ‘di ba? Pero lahat naman nalalampasan and talagang blessing dahil nu’ng nagdesisyon ako na maging super good girl at nagdasal, talaga namang, talagang everything fell in its place. At ‘yung blessings talagang nag-pour in.” Ano ang ibig sabihin niya na nagumpisa na siyang magign good girl? “Naughty lang. Wala naman, naughty-naughty lang, ganu’n. Alam ninyo na ‘yun,” sabay tawa ni Gretchen.

Nagshare si Gretchen na sobrang kabog ng kanyang dibdib ng dumating na sa category na iyon ang binasa ng mga presentor sa stage. “Bago ako tawagin, naririnig ko ‘yung parang ang puso ko, naririnig ko talaga ‘yung kalabog, ‘Ahhh! Ayoko nito. Ayoko ng feeling na ganito! Pero ang sarap pala kapag tinawag ang pangalan mo. Na-nominate na rin ako noon pero umuuwi ako’ng talagang wala. Ayoko talagang mag-expect pero dinasal ko.” Ano ang kahulugan para sa kanya ng pagkakapanalo niya ng kanyang kauna-unahang acting award? “Very meaningful kasi hiniling ko talaga ‘to. So anything talaga you ask for in God’s name talagang ibibigay. Parang kahit hindi naman ako perect sa tao, kahit hindi ako sobrang mabait, parang pinapakinggan pa rin ang mga desire ng aking puso.” Tiyak na magiging masaya raw ang Pasko niyia dahil dagdag na blessing ang karangalang ibinigay sa kanya. “Uhm, for me talaga this is a very, very good year. Ang daming blessings, so, ‘yun.”

Alam ni Claudine na na-nominate siya sa Star Awards for Televison? “Alam niya, yes. Pero eto nanalo ako, hindi pa. Kasi wala pa akong chance na tumawag or anything. I’m sure may mga nag-text na sa kanya and I’m sure very happy siya dahil kanina sabi niya sa akin, ‘You know, I really feel you’re gonna win.’ Tapos nagdasal siya. Ang daming nagdasal today. Nagsindi rin ako ng kandila. Hihihi!”

Ano naman ang sinabi sa kanya ni Tony Boy? “Uhm, sabi niya, ‘Have faith.’ Nagdasal din siya. Kasi araw-araw naman nagro-rosaryo kami. Ngayong nanalo ako hindi pa kami nagkakaroon ng chance na magkausap.” What about her daughter Dominique? Naiintindihan ba niya ang pagkakapanalo niya ng award? “Hindi nakakaintindi ng Tagalog ‘yan. Siguro sabi niya, ‘Weird. Ano ba’ng nangyayari dito?’ Pero hindi pa kami nakakausap ni Dominque at ni Tony Boy dahil kasi nag-present ako (ng award),” masayang tapos ni Gretchen.