• Home
  • Fresh Scoops
  • Gina Pareño thanks 'Lola Gets' for her first Best Actress award for TV

Gina Pareño thanks 'Lola Gets' for her first Best Actress award for TV

The veteran actress takes pride in playing such a strong character that people actually remember and love.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/4/2009 11:18 AM
Gina Pareño thanks 'Lola Gets' for her first Best Actress award for TV


Nasungkit ng aktres na si Gina Pareño ang Best Drama Actress award  para sa pagganap niya bilang si ‘Lola Gets’ sa teleseryeng Tayong Dalawa sa  23rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club, Inc. Ito ang unang drama actress award na nakuha ni Gina sa Star Awards for TV. Although, two years ago nanalo rin si Gina sa Star Awards for TV sa Best Single Performance By An Actress para sa episode ng Maalaala Mo Kaya na ‘Rehas.’ “I’m so thankful, kasi, eto  (Tayong Dalawa), e, sinamahan ng ating mga manonood for nine months, Monday to Friday. Nakakatuwa kasi talaga namang maski na ‘yung tunay ko’ng pagkatao ang tawag nila sa akin ‘Lola Gets.’ I’m so happy for that kasi, unang-una, ganu’n nila kamahal ‘yung character  na pinortray ko kaya okey na sa akin kahit hindi nila ako tawaging Gina, Lola Gets na lang,” bungad ni Gina nang makapanayan ng ABS-CBN.com sa stage pagkatapos ng awards night. “Maraming-maraming salamat sa PMPC at sa mga manonod dahil hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako binibitawan. Talagang dapat ganu’n, walang bibitiw sa atin. Salamat ng marami sa mga manonood dahil hanggang ngayon, e, wala kayong sawang sumusubaybay sa akin,” masayang pahayag pa ni Gina.

Sa ngayon, busy na si Gina sa pagti-taping ng kasunod niyang teleserye sa ABS-CBN pagkatapos ng Tayong Dalawa. “Ang ginagawa  ko ngayon ‘yung Kung Tayo’y Magkakalayo. Kami nina Kris Aquino, Gabby Concepcion, Albert Martinez, ‘tsaka si Coco (Martin) kasama ko rin.” Hindi kaya hanapin pa rin ng viewers ang character niya na si Lola Gets sa bago niyang teleserye? “Kailangan naman iba. Pero siguro magugutsuhan naman nila ang istorya namin.” Sa tingin niya mabubura pa si Lola Gets sa katauhan niya? “Hindi na siguro. Kailangan lang tutukan ko ‘yung character na bago para ma-ano, ‘yung tipong lumaban.”

Busy rin sa iba niyang projects outside of ABS-CBN si Gina. “‘Yung ginagawa ko ngayon kay  Regine Velasquez at ‘yung kay Aga Muhlach, ‘yung Omboy and Burns. Tapos gagawin ko ‘yung shooting ng Working Girls 2010. Ang anak ko si Eugene Domingo,” tapos ni Gina.