• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin on winning his Best Actor trophy for TV: 'Ito yung kabayaran ng pahihirap namin'

Coco Martin on winning his Best Actor trophy for TV: 'Ito yung kabayaran ng pahihirap namin'

Coco Martin is thankful and is very proud of his work for Tayong Dalawa.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/4/2009 8:05 AM
Coco Martin on winning his Best Actor trophy for TV: 'Ito yung kabayaran ng pahihirap namin'


Sa unang pagkakataon ay tinanghal na Best Drama Actor si Coco Martin sa 23rd Star Awards for Television para sa mahusay na pagganap niya bilang si Ramon sa matagumpay na teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Kanino niya inaalay ang kanyang award? “Sa lahat, lahat. Sa pamilya ko sa indie (independent films), sa mentor ko kay Direk Dante (Mendoza) kasi siya ‘yung naghubog sa akin, eh. Ah, sa lahat, sa lahat ng boss ng Channel 2 para makapagtrabaho sa ABS,” simula ni Coco pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang trophy sa Star Awards. Pang-ilang trophy na ba niya ang nakuhang award sa Star Awards? “Hindi ko na alam, e. Pero eto ‘yung first time na nanalo ako sa TV.” Ano’ng naramdaman niya nu’ng tawagin ang name niya? “Sobrang saya, sobra ang blessing ko this year. Sabi ko, ‘yung pagkakapanalo ko lalo na sa mga indie film ko and then, nanalo rin ako sa PMPC.” Sino naman ang pinakamalapit na babae sa puso niya na pwede niyang alayan ng kanyang award? “Wala pa, e. Sa lola ko, actually. Hehe. Nalungkot nga ako, e, kasi sa sobrang nerbyos ko hindi ko nabanggit, e, para sa lola ko.”

First time lang na-nominate ni Coco sa Star Awards for TV, nanalo agad siya. Kaya malaki raw ang meaning para sa kanya ng pagkakapanalo niya this time. “Sobrang laki ah, kasi ano, siyempre kumbaga nire-represent ko rito lahat ng production, lahat ng bumubuo sa Tayong Dalawa. Eto ‘yung kabayaran sa lahat ng paghihirap namin.” Sa pagkakapanalo ni Coco sa Star Awads for TV mas hihigpit daw ngayon ang agawan ng trono bilang top dramatic actor sa hanay ng mga artista ngn ABS-CBN sa 2010. “Hindi naman pero parang ito lang siguro ‘yung ano ko, parang at least napatunayan ko na may patutunguhan talaga kung may pagsusumikap ka at talagang pagtatrabahuan mo lahat ng ginagawa mo.” Pero may mga nagsasabi na marami raw talaga siyang matatabunang actor sa 2010 sa ABS-CBN. Naniniwala ba siya? “Hindi naman. Marami naman ‘dyan. Kumbaga, kuntento na ako. Kuntento na ako na ma-appreciate ang trabaho ko, lahat ng ginagawa ko ‘yun na.”

Excited na sa pagsabak si Coco sa bago niyang soap na Kung Tayo’y Magkakalayo. “Naka-first day (shooting) na ako. Kasama ko doon si Kris Aquino, Albert Martinez, Gabby Concepcon, Gina Parneo, si Kim Chiu, si Gerald Anderson. Bale ako ‘yung step son ni Albert. Ibang-iba sa Tayong Dalawa. Ibang istorya, ibang character naman ang gagawin ko dito. Sana abangan nila kasi isang napakagandang soap opera rin po ito gaya ng Tayong Dalawa,” tapos ni Coco.