• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto reacts on competing at the box-office with Comedy King Dolphy

Vic Sotto reacts on competing at the box-office with Comedy King Dolphy

Vic Sotto reveals that despite the competitive spirit during the Metro Manila Film Festival, his friendship with Dolphy will never change.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/30/2009 9:11 AM
Vic Sotto reacts on competing at the box-office with Comedy King Dolphy


Pinaghahandaan na ni Vic Sotto ang susunod na pelikulang isasali niya sa 2010 Metro Manila Film Festival pagkatapos ng “Ang Darling Kong Aswang” na official entry niya ngayon sa filmfest. “Pagpasok ng Bagong Taon paghahandaan na namin ang ‘Enteng Kabisote,” pagbabalita n Vic sa presscon ng “Ang Darling Kong Aswang.” Si Kristine Hermosa pa rin ba ang leading lady niya sa bagong “Enteng Kabisote?” “Ah, depende, deopende. Pwede namang magpalit-palit ‘yan, e. Nakaka-ilang Faye na ako kung inyong mapupuna.”

Nu’ng huling nagtapat sila ni Senator Bong Revilla sa MMFF, nagkaroon sila ng isyu. Hindi pinayagan na makapag-promote si Sen. Bong noon sa noontime show nina Vic. Ganu’n pa rin ba ang set-up ngayon? “Wala namang tapatan-tapatan. It’s a GMA-Bong production, I don’t see any tapatan. Ang alam ko magkakakampi kaming lahat dito. Kasi naman, alam ko’ng ganu’n din ang pakiramdam nila kasi iisa lang naman itong gustong mangyari dito, e, maging matagumpay ang kabuuan ng film festival kasi tayu-tayo rin naman ang makikinabang kung sakaling maging maganda ang resulta.”

Nakapag-usap din ba sila ng Comedy King na si Dolphy tungkol sa pelikula niya na “Nobody Nobody But Juan” na ivolved naman ang katapat ng noontime show nila sa GMA7 na “Wowowee?” “Kung anuman ang mangyari magtatapat ang pelikula namin, magsasabay ang pelikula, magtatapat ang pelikula, hindi na magagalaw ‘yung pagkakaibigan namin. Pagmamahalan namin, ah, mananaig ‘yun sa kahit ano’ng tapatan or sabayan ng mga pelikula.” Kung gagawin ang biopic ni Dolphy payag ba siya na gampanan ang role ng Comedy King sa pelikula? “Aba , bakit hindi? Maganda ‘yun.

Kung ang ibang artista ay lantaran na ang pagsuporta sa mga tatakbong Presidentiables, kailan naman siya maga-out-in-the open sa sususportahan niyang kandidato? “Ako’y nagsususri pa,. Gusto ko ang boto ko ay maging sulit. At ako ay nagbibigay halaga sa boto ko. Isa pa lang ang sigurado ko na iboboto ko. Si Tito (Soto) iboboto ko sa pagka-Senador. E, ako naman ay personal na naniniwala na marami naman siyang magagawa sa bayan natin.”

What if kausapin siya ni Kris Aquino para suportahan ang kanyang kapatid na si Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na tatakbong Presidente sa 2010 papayag ba siya? “Kung ako ay naniniwala sa isang kandidato, hindi ako kailangang kauspain. I-endorso ko siya at saka-sakaling ako’y, ah, ibig sabihin, makatulong ako sa ibang tao na hindi pa nakakapag-desisyon kung sino ang kanilang gustong iboto. Kasi alam ko lahat sila, naniniwala ako lahat sila may kapasidad, lahat sila may kanya-kanyang talino, may kanya-kanya silang talento at galing. Ang gusto ko lang malaman sa aking sarili, e, sino ba talaga ang makakatulong. Sino ba talaga ang magiging isang mahusay na pinuno ang ating tatanawin na magaling na leader. Hindi ko pa nasasagot ang mga tanong na ‘yun.”

Sa season na ito, ano ang Christmas prayer niya? “Wow! Christmas prayer. Lahat naman ng pangarap ko at panalangain ko hindi para sa akin kundi para sa aking kapwa. Una na d’yan ang aking mga anak, ang aking mga mahal sa buhay, mga kapatid ko, pamilya, mga kaibigan at para sa lahat ng mga kababayan natin. Kasama na rin ‘yung mga kasamahan natin sa industrya sa mga kababayan natin. Kaya nga parati tayong, hangga’t maari ay kasali sa festival at nakikisali sa mga ganitong klaseng showbiz event.”