• Home
  • Fresh Scoops
  • Eula Valdez admits that PBB housemate Rocky Salumbides is her boyfriend

Eula Valdez admits that PBB housemate Rocky Salumbides is her boyfriend

It is finally confirmed that PBB housemate Rocky Salumbides' girlfriend, whom he calls 'Amor Powers.' is indeed Pangako Sa'yo's Eula Valdez.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/3/2009 8:24 AM
Eula Valdez admits that PBB housemate Rocky Salumbides is her boyfriend


Kamakailan lamang sa Pinoy Big Brother House ay isang rather shocking revelation ang ibinahagi ng housemate na si Rocky Salumbides sa kanyang mga kasama. In line with his intention to open up and introduce himself to his newly found family, nabanggit niyang kasalukuyan siyang mayroong famous girlfriend na itinago niya sa codename na “Amor Powers.” Apparently, halos hindi na rin pala codename ito dahil ang famous celebrity na tinutukoy ni Rocky ay no other than the teleserye Pangako Sa’yo’s “Amor Powers” herself, Eula Valdez.

Kanina sa SNN, humarap na sa publiko si Eula to confirm the said story—boyfriend nga niya di umano ang international model turned housemate na si Rocky. Kasabay nito, agad namang inamin ni Eula na sobrang na-mimiss na niya ang binata na ilang linggo na ring namamalagi sa loob ng Bahay ni Kuya; and kahit wala man daw silang means of communication nito, naniniwala siyang he feels the same way for her lalo pa’t palagi niyang nakikitang suot ng binata ang lahat ng mga t-shirts niyang binaon pa talaga nito.

Currently, Rocky himself admits that he is longing for Eula. Sa katotohanan ay hindi na nga nito naiwasan pang maiyak sa harap ng kanyang mga housemates with the mere thought na hindi sila magkasama ngayon. But despite the distance, both Rocky and Eula claim that they will keep holding on. Pagbabahagi nga ni Eula sa ngayong pinanghahawakan niyang pangako ni Rocky bago ito tuluyang pumasok sa Bahay ni Kuya, “Nag-I love you siya, tapos sabi niya ‘hintayin mo ako.’”

 

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedback