• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Erick Reyes gives clues on Lovers in Paris' must-see ending

Director Erick Reyes gives clues on Lovers in Paris' must-see ending

As the drama reaches it's final week, Direk Erick Reyes reveals what it's like doing the last few scenes of Lovers In Paris.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/3/2009 8:38 AM
Director Erick Reyes gives clues on Lovers in Paris' must-see ending


Umani ng papuri sa mga artista niya sa Lovers in Paris ang direktor ng teleserye na si FM ‘Erick’ Reyes sa nakaraang thanksgiving party ng top-rating teleserye sa ABS-CBN. Bilib na bilib ang buong cast ng Lovers in Paris na dumating sa party kasama ang misis niyang si Rita Avila. “Nagpapasalamat ako sa mga sinabi nila sa akin. Pero kasi sa akin, you just work, you love what you do. You know the characters well. Kagaya nga ng sabi ni Hyubs (Azarcon), nagulat siya dahil umiiyak daw ako (sa set). Nahihiya ako na ganu’n ang naririnig ko but somehow when you know the characters at ang mga pinagdadaanan nila, you can’t help but feel the emotions. So, na-surprise ako kanina the way they’re talking about it. E, you don’t do things things na unplanned. Naplano mo na ganyan na yung ganu’ng sandali. E, ako ever since naman na nagtrabaho ako sa ABS, I’ve always been like that. People calls me crazy because they see me laughing, they see me crying,” lahad ni Direk Erick.

Kanino siya pinaka-touch na sinabi among his actors sa Lovers in Paris? “Na-touch ako kay Tito Mark (Gil). Kasi you know knowing someone na as good as him and he would say good things about you, hindi mo mababayaran ‘yung tagal niya sa industyra. Parang hindi mo mababayaran ng kahit na ano’ng effort mo ‘yung pinagtagal-tagal nila sa industrya sa rami ng naitanim nila lalo na sa buong angkan. ‘Tsaka sa mga recognition niya bilang artista para sabihan ka ng ganu’n. Parang hindi mo inaasahan. But then again ako, parang I always make them, as a director I always challenge them to make them feel na ano, are you giving your best? Are you giving your heart? Kaya nga sabi nila at the end of the day daw kahit the days are longer, pag-uwi nila masaya sila kasi siguro ’yung napapadama ko sa kanila kapag nagti-taping kami, kasi hindi ko ugali ‘yung mag-thank you, e. Parang katwiran ko, hindi naman utang na loob na ipagpapasalamat, parang ganu’n. At the end of the day gusto ko’ng maramdaman na mula sa puso ’yung ginagawa nila. Kaya siguro natsa-challenge sila kapag nakita nila na nakangiti lang ako kahit hindi ako nagti-thank you or nagbe-very good, kasi ayoko naman magsabi ng very good dahil it’s not naman a performance in school or what na kailangan silang i-very good.”

Notorious si Direk Erick sa pagiging mataray sa mga artista niya kapag nasa set. At isa sa mga nabalita nga noon ay “natarayan” niya si Angel Locsin sa set ng teleserye nila last year na Lobo. “Ano ka ba nakarating na siya sa Emmy Awards,” biro ni Direk Erick. “I’m so happy for Angel na nakarating siya doon.” Kung si Angel na dinirek niya sa Lobo nakarating sa Emmys, may chance rin ba si KC to be recognized as an actress? “Well, ah, that would be an inappropriate question for her even if it is a good question. Kasi one thing I’ve learned about her is that she’s really, really humbled. She has been an Ambassadress for the UN and you know, she’s not bragging about it and she’s silently working for them. And whether she reaches the Emmys or the Oscars, I’m sure that will be something that she will be humbled.”

Nakatutok ngayon ang mga manonood sa last two weeks ng Lovers in Paris especially sa ending. Hindi ba madi-disappoint ang viewers sa ending? “Medyo naiba sa ending ng original. Pero medyo faithful pa rin. Hindi ninyo makukuha ‘yung inis factor na nakuha natin sa original sa ending ng show. Wala ‘yun. Dito meron talagang ganu’n. Even I nu’ng napanood ko ‘yun nainis talaga ako. Gumaw