• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca admits he got his wish to be recognized as an actor

Jake Cuenca admits he got his wish to be recognized as an actor

Jake Cuenca is happy with the success of his career even if he is separated from his family.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/28/2009 12:34 AM
Jake Cuenca admits he got his wish to be recognized as an actor


Sa 12 taon sa showbiz ni Jake Cuenca, masasabi ng Fil-Spanish actor na nakamit na niya ang pangarap na makilala bilang isang aktor. “Masaya akong nagbibigay inspirasyon sa tao ‘pag pinapanood ako,” aniya nang ma-feature sa Rated K noong Linggo, Disyembre 27. Ipagdiriwang na ni Jake ang kanyang ika-22 kaarawan sa December 30 at natutuwa siya at nakamit niya ang tagumpay sa ilang taon lamang sa showbiz.

Sunud-sunod ngayon ang mga dumarating na proyekto sa nasabing aktor, kabilang na ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, ang Rubi na pinangungunahan ni Angelica Panganiban at ang kasalukuyang umeere Precious Hearts Romances: My Cheating Heart. Subalit sinabi ni Jake na hindi naging madali para sa kanya ang kanyang tagumpay. “May mga panahon na kinukumbinsi na ako ng mga magulang ko na umuwi ng Spain kasi walang nangyayari (sa aking career). Merong mga panahon na wala akong pera kahit artista na ako nun. Kahit may trabaho na ako nun, humihingi pa rin talaga ako ng pera, nangungutang pa rin ako sa mga kaibigan ko, sa mga magulang ko,” pag-amin ng aktor.

Marami ring Pasko ang dumaan na nag-iisa si Jake dahil naka-base sa Spain ang kanyang mga magulang at nataon pang birthday month niya ito. “It’s a very lonely month for me pero I’m really grateful because 12 midnight, right on the dot, tatawag na ‘yan (parents) magme-Merry Christmas na ‘yan. Kahit ‘yun lang masaya na ako.”