• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla admits she's been making the same Christmas wish for the past six years

Zsa Zsa Padilla admits she's been making the same Christmas wish for the past six years

The singer-actress says she has this secret wish that she hopes will come true this 2010.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/26/2009 1:42 AM
Zsa Zsa Padilla admits she's been making the same Christmas wish for the past six years


Tutol ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla na isapelikula ang buhay ng kanyang lovey na si Comedy King Dolphy. Lumabas ang balita na may plano na para gawin ang biopic ng komedyante at napipisil na gumanap bilang si Dolphy ang anak niyang si Jeffrey ‘Epi’ Quizon. “Hindi naman daw. Kasi nu’ng tinanong ko siya (Dolphy) kung totoo ba na may gagawing biopic sabi niya wala raw siyang alam, e. So, I think nasa planning stage pa lang. Sinabi ko na kung kung pupuwede sana huwag na lang gawin. E, nasa libro na naman ‘yun, e. huwag na nating kalkalin. ’Tsaka buhay naman si Dolphy, e. He’s very much around so, why make, you know I believe that si Dolphy marami pa’ng gagawin. Kung gumawa ng biopic niya ngayon it’s too early. It’s still too early,” paliwanag ni ZsaZsa sa presscon ng “Mano Po 6,” ang official entry of Regal Films sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Hindi ‘yun good idea para sa kanya? “Ah, ayaw ko lang kasi nu’ng personal na buhay kasi masyadong makulay ang buhay niya. A, ayaw ko nang kalkalin pa ‘yun o mabungkal pa.” Paano kung si Dolphy ang gumawa ng sarili niyang biopic? “Kung siyg ang gagawa ng pelikula? Oo, kasi love niya talaga ang pelikula. Walang problema. ‘Tsaka hidni naman, kung biopic naman ni Dolphy hindi siya ang magpo-portray. It has somebody who is really an excellent dancer.” Ano naman ang masasabi niya na si Epi raw ang gaganap na Dolphy sa big screen? “Hindi, I don’t know. Is Epi a dancer? I know Epi has many, many talents. I am not sure (if he’s good dancer). Gusto ko lang sana mapantayan niya ‘yung pagsasayaw, I mean, pardon me Epi ‘no? I love you to pieces but your dad is such an excellent dancer. So, kapag nagawa mo ‘yun saludo ako sa ‘yo,” mensahe niya kay Dolphy.

Ang balita ang mga anak ni Dolphy ang purisgido sa paggawa ng bio film ng daddy nila. “Uhm, ah, pag-usapan na lang naming pamilya. Hindi pa namin napapag-usapan. So, kung ako lang ang tinatanong ninyo ayoko.” Kailangan pa rin ba na magpaalam sa kanya ang mga anak ni Dolphy kapag ginawa ang life story niya? “Ako? Kasali ako sa istorya ‘di ba? If tatanggalin ako sa istorya? Twenty years kaming magkasama ni Dolphy, ha. So, tatanggalin mo ‘yun? So, hindi naman ito pagtataray or anything ‘di ba? Parang may mga bagay na, kumbaga, nasa libro na, e. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa’ng isapelikula? ‘Yun lang. ‘Yun lang ang akin. Hindi pwedeng gawin kung walang permiso ni Dolphy. Tanungin ninyo si Dolphy kung gusto niya bang gawing pelikula ang kanyang buhay. Ako, opinyon ko lang naman ang sinabi kong ayaw ko. Ngayon, kung siya (Dolphy), ayaw niya, wala naman tayong magagawa ‘di ba? Kung gusto niya, e, ‘di sabihin ko ayoko,” sabay tawa ni ZsaZsa

What about a national artist award for Dolphy? “‘Yan gusto ko’ng mangyari.” May isyu noon na mukhang ayaw naman nito ni Dolphy. “Hindi, kasi syempre ‘yan ang pinakamataas na parangal na pwedeng ibigay sa isang artist at sa film festival (2009 MMFF) lang meron silang hinahanda para sa kanya. Actually, hindi niya alam. Spoiler ba ito? Pero ano, ah, ‘yun ang pinakamataas na pwedeng maibigay ‘di ba? Sana habang nabubuhay pa siya sa mundo maibigay sa kanya. Habang nakakaakyat pa siya ng stage at siya mismo ang makatanggap”

Mayroon pa ba siyang Christmas wish na hindi natupad? “Oo, hindi ko alam kung Christmas wish. Basta it’s something that I’ve been wishing, e. Mayroon akong wini-wish na, eto na lang clue. Anim na taon ko na po’ng wini-wish. Next year, pang-pitong taon ko nang wini-wish na mangyari.” Hindi kaya ‘yung wedding nila ni Dolphy na hinihintay ng marami at maayos na ang annulment case niya with her former husband na si Dr. Modesto Tatlonghari? “I am annulled. Hindi pwedeng pagusapan nasa court pa, e. Pero syempre winish ko na mangyayari rin. Sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa.”

Proud naman si ZsaZSa sa pagko-kontrabida niya kay Megastar Sh