• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista reacts to Cristine Reyes's plea for a truce

Heart Evangelista reacts to Cristine Reyes's plea for a truce

The actress says it's time to move on from issues from the past.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/22/2009 8:23 AM
Heart Evangelista reacts to Cristine Reyes's plea for a truce


Nitong lamang Linggo sa The Buzz ay tinuldukan na ng sexy-actress na si Cristine Reyes ang mainit na intrigang kinabibilangan nila ng dating kasintahang si Dennis Trillo at ang nali-link sa nabanggit na binata na si Heart Evangelista. Para matapos na nga ito, isa-isang sinagot ni Cristine ang mga maiinit na tanong ng host na si Kris Aquino, kung saan kinumpirma na nga niyang minsan siyang nagpadala ng mensahe sa kaibigang si Ruffa Mae Quinto para ipaabot kay Heart ang pagkadismaya niya sa pagiging sobrang lapit nito kay Dennis, na noon mga panahong iyo’y boyfriend pa niya.

Sa magkahiwalay namang panayam sa SNN, nagbigay din ng reaksyon sina Heart at Dennis kaugnay ng naging pasabog ni Cristine sa The Buzz. Ayon kay Heart, kung siya raw ang tatanungin kaugnay ng naging isyu sa pagitan nila, sadyang lipas na raw ito para sa kanya lalo pa’t matagal na rin naman daw ang pangyayaring ito. Pagbibigay diin nga niya, “Matagal nang tapos ‘yon. It’s all over.”

Ngayon ngang sinasabing nagkaayos na sina Cristine at Heart, agad namang ibinahagi ni Dennis ang kanyang lubos na pagkatuwa; ngunit kaugnay ng naging mensahe sa kanya ni Cristine patungkol di umano sa hindi nito pagtatanggol sa kanya, isang malambing at tikom-labing ngiti lamang ang kanyang nagawang isagot ng binata.