Sharon Cuneta's Yaya Loring passes away

After 40 years of loyal service to Sharon Cuneta and her family, Yaya Loring passes away at the age of 83.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/21/2009 1:41 AM
Sharon Cuneta's Yaya Loring passes away


Isang malungkot na balita para sa pamilya ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkamatay ng kanyang tapat na yaya na si Loreta Benitez, o mas kilala bilang Yaya Loring at the age of 83.

Idinetalye ng Tita ni Sharon na si Helen Gamboa kung paano binawian ng buhay ang pinakamamahal na tagapangalaga ng Megastar. “I think last year she had a mild stroke or a heart attack tapos after that humina na yata ‘yung heart niya,” pahayag ng veteran actress sa panayam ng The Buzz. “Kanina (December 19, Saturday) yata she felt na parang nahihilo siya, so sabi ni Sharon, ‘Sige (Yaya), pahinga ka muna dyan.’ After that, natumba yata and they rushed her to the hospital. Pagdating dun, she didn’t make it anymore.”

Halos 40 taon ding naging tapat na tagapag-alaga ni Sharon ni Yaya Loring at pati ang mga anak nito na si KC Concepcion at Frankie Pangilinan ay inalagaan niya. Kahit noong nanirahan sina Sharon sa Boston, USA ay sumama si Yaya Loring. Hindi rin kaila na isang anak ang naging turing ni Yaya kay Sharon.

Samantala, isang mensahe rin ang ipinadala ng Megastar sa The Buzz kahapon. Narito ang kabuuan ng mensahe: “My beloved Yaya Luring left me last night after 40 years, at 83 years old. She will be at Sanctuario de San Antonio, McKinley Road, Forbes Park, Makati starting tonight. She will be buried on the 23rd (of December). I don’t know how life will be without her. Humihingi ako ng tawad sa mga commitments na hindi ko nasipot dahil sa nangyari, lalo na ‘yung pinakamalaki at magandang movie ko na Mano Po 6. Mahirap mag-adjust sa pagkawala niya and she will always be in my heart forever.”