Krista Ranillo reveals the 'real' her

Krista Ranillo describes herself as a simple girl and that her sexy image is just part of her being an actress.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/21/2009 1:45 AM
Krista Ranillo reveals the 'real' her


“I’m very selfless, kasi parang if I earn something, shini-share ko agad sa family ko,” pagbabahagi ni Krista Ranillo sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa Rated K noong Linggo, December 20. Sa nasabing episode rin ay ipinakita ang ginawang outreach program ng sexy actress kung saan namigay siya ng gifts sa mga batang cancer patients bilang pagpapasalamat sa kanyang mga biyayang natatanggap.

Inamin rin ng controversial sexy actress na noong una ay hindi pabor ang kanyang ama na pasukin nito ang showbiz at naiintindihan raw niya ngayon kung bakit, patukoy sa mga intrigang ibinabato sa kanya ngayon. At hanggang ngayon umano, ang ama niya ang may final say sa kung anuman ang desisyon niya pagdating sa showbiz. “’Coz I really respect him that much, knowing that he’s been in the business for so long. It means a lot also, tsaka ‘yung mga advice niya he only wants the best for me.”

Sinabi niya na bata pa lamang kasi ay alam na niyang gusto na niyang mag-showbiz. “Talagang na-feel ko bata pa lang ako, nasa dugo ko na ‘yung show business. Even sa lola (Gloria Sevilla) ko syempre Queen of Visayan films, siya talaga ang nagho-hone ng talent ko,” paliwanag niya.

For a time ay tumigil rin sa showbiz si Krista para mag-pokus sa kanyang pag-aaral. “Nag-college ako. I stopped showbiz for four years straight, ‘coz I wanted talaga. Ganun ako ‘pag meron akong gusto. I’m very goal-oriented, so sabi ko I’ll go back to school, I’ll get my diploma, I’ll graduate.” Nagtapos noong 2007 si Krista sa kursong Interdisciplinary Studies at isa siyang Dean’s Lister sa Ateneo De Manila University.

Sa kanyang pagbabalik ay sexy image na ang ipinakita ni Krista pero stepping stone lamang daw ito sa muling pagpasok sa showbiz. “It’s not gonna limit my career or ‘yung hanggang dun lang ako. Ang pagpasok ko sa showbiz is not because of the fame and fortune that show business has had to offer. It’s more of having that opportunity knowing that I can do what I really want to do, which is to perform. But right now, gusto ko rin ma-try ‘yung iba, gusto kong mag-host sana.” Ang pagpapa-sexy raw niya ay bahagi lang ng kanyang trabaho bilang aktres. “Pero ‘yung totoong Krista, simple lang naman ako eh, totoong tao hindi ako complicated at masayahin (ako),” hayag ng aktres.

Para sa kanyang wish ngayong Pasko, sinabi ni Krista, “My Christmas wish is not even for myself. Siguro it’s for everyone. That everyone will find siguro contentment in life and peace and love and happiness.”