Dolphy would rather not do a movie on his life

Dolphy agrees with partner ZsaZsa Padilla's stand that doing a biopic may open old wounds.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/21/2009 1:32 AM
Dolphy would rather not do a movie on his life


Sa tanong ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez kay Dolphy kung sa tingin ba niya mas mabuti ba itong ama o mas mabuting asawa, ang nakagugulat na sagot ng Comedy King, “Parehong hindi, eh. Ibig kong sabihin, hindi puwedeng sabay. Kunwari better father ka, kailangan lagi kong kapiling ang mga anak ko, di ba? But ang trabaho natin, iba. Maglo-location ganito, ganyan especially nung nag-uumpisa ako. Most of the time Christmas Eve o New Year’s Eve, wala ako sa bahay nagpe-perform ako as a dancer nga kasi mas malaki ang datung no’n,” paliwanag ng veteran actor.

Nakagawa na si Dolphy ng higit 200 pelikula pero kung papipiliin ng gustong gampanang role, nais umano niyang gumanap bilang pari. “Pero delikado, touchy ‘pag pari at maraming bawal,” pahayag niya.

Nababanggit na rin ngayon ang paggawa umano ng biopic ni Dolphy pero gaya ng kanyang partner na si ZsaZsa Padilla, tila hindi ganun ka-excited ang King of Comedy na gawin ito. Tila sumasang-ayon kasi si Dolphy kay ZsaZsa na posibleng maungkat ang mga hindi kanais-nais na kaganapan o “old wounds” sa mga taong naging bahagi ng buhay ng aktor.

Kasama ang pelikula ngayon ni Dolphy, ang Nobody Nobody But Juan sa Metro Manila Film Festival kung saan gaganap siya bilang matanda na nasa America na nangungulila sa kanyang pamilya. Ginarantiya niya na ang pelikula ay nakatutuwa subalit may kurot sa puso para sa buong pamilya. Makakasama rin niya sa pelikula sina Gloria Romero, Eddie Garcia, Heart Evangelista, Pokwang, Eugene Domingo, G Toengi, at Eric Quizon na siya ring nag-direk ng pelikula.