Cristine Reyes to Dennis Trillo: 'Maawa ka naman!'

With Dennis Trillo allegedly courting Heart Evangelista, Cristine cries foul for having her name dragged into the issue.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/21/2009 1:36 AM
Cristine Reyes to Dennis Trillo: 'Maawa ka naman!'


“Maawa ka naman, nada-drag ‘yung name ko na nagmumukhang naghahabol sa ‘yo palagi. Hindi ko alam kung bakit kahit minsan hindi mo man lang ako ipinagtanggol,” ma-emosyunal na pahayag ni Cristine Reyes sa The Buzz na patama kay Dennis Trillo. May kinalaman kasi ito sa isyung nagpapadala raw ng mga pagbabantang text si Cristine sa napapabalitang nililigawan ni Dennis na si Heart Evangelista. “Sana makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo,” sabi ni Cristine. “Kasi lagi na lang ang nega ng dating ko. Palagi akong masama. Palaging nagmumukhang naghahabol sa kanya na hindi na. Naka-move on na ako, tama na,” pakiusap ni Cristine.

First time ding nagsalita ni Cristine tungkol sa naging relasyon nila ni Dennis na tumagal ng dalawang taon subalit anim na buwan na silang break ngayon. Sabi ng sexy actress, hindi nila inamin ang kanilang relasyon noon dahil pinayuhan silang dalawa ni Dennis na huwag aminin upang mapangalagaan ang kanilang mga career. “Hindi makakatulong sa career namin kung sasabihin namin na magkarelasyon kami,” kuwento ni Cristine.

Si Dennis umano ang first true love niya at madalas nilang pag-awayan ang selosan. Pinagselosan umano ni Dennis noon ang mga naging leading men ni Cristine na sina Jericho Rosales, Jason Abalos, at Joross Gamboa. Naging matindi naman ang pagseselos ni Cristine sa dating girlfriend ni Dennis na si Carlene Aguilar.

Hinggil naman sa pag-text umano niya kay Heart, sinabi ni Cristine na nangyari last February at sila pa ni Dennis noon. Ipinaabot ni Cristine kay Heart na layuan si Dennis through a common friend na si Rufa Mae Quinto. Pero nang magkahiwalay umano sila ni Dennis ay never niyang tinext si Heart.

Para sa kanyang mensahe para kay Heart, sinabi ni Cristine na wala siyang galit sa aktres. “Gusto ko pang ma-meet ka para maayos na lahat kasi napalaki masyado ‘yung issue and sorry din dahil nagkagulo tayo na hindi naman tayo dapat nagkagulo in the first place. Alam ko na alam mo kung sino ‘yung nagti-text na ‘yon,” sabi ni Cristine na tinutukoy na alam rin ni Heart kung sino ang nagti-text ng mga pagbabanta sa kanya pero ginagamit ang pangalan ni Cristine upang pag-awayin ang dalawa.