• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino and Councilor Shalani Soledad's very first encounter

Kris Aquino and Councilor Shalani Soledad's very first encounter

On their very first meeting, Kris Aquino utilizes her hosting prowess on Noynoy Aquino's current girlfriend, Councilor Shalani Soledad.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/2/2009 12:19 PM
Kris Aquino and Councilor Shalani Soledad's very first encounter


Kanina sa SNN, ipinalabas ang isang eksklusibong video ng paghaharap nina Kris Aquino at Valenzuela Concilor Shalani Soledad, na girlfriend ng kapatid ng nauna na si Senator Noynoy Aquino. Nito lamang taong ito, naging mainit ang intrigang pagkakalayo di umano ng loob ng dalawa sa isa’t isa, lalo pa nang mapansing paulit-ulit ang pagsasabi ni Kris dati na she opts for her brother to remain single despite the disclosed truth regarding his relationship with Shalani; ngunit sa naturang video clip, makikitang maayos naman ang naging paghaharap nila, wherein Kris pursues her hosting skills para higit na makilala ang aniya’y babaeng minamahal at nagmamahal sa nag-iisang kapatid nilang lalaki.

Matapos ang naturang event, minarapat naman ng SNN na kuhaan ng eksklusibong panayam si Shalani kaugnay reaksyon niya sa naging unang paghaharap nila ni Kris. Agad naman niyang tugon dito, “Overwhelming talaga yung event. Syempre katabi mo si Kris Aquino, so nakakatuwa. Mas nangibabaw talaga ang tuwa over anything else.” With regard naman sa past issues between them, hindi na raw niya iniintindi pa ito dahil personally ay naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan ni Kris; at to once and for all clear the air, she even leaves her a promise that she will forever love and cherish Noynoy for the rest of her life.

To end the short interview, sinubukan namang ungkatin ng SNN kung ano nga ba ang mga katangian ni Noynoy na sadyang pumukaw sa puso niya. Mabilis na sagot naman ni Shalani dito, “He’s very sweet; has good sense of humor; maalalahanin; and very real—totoong-totoo talaga siya sa mga pinapakita niya.