Is Jolina Magdangal returning to ABS-CBN?

The singer-actress reacts to speculations that she's going to be a Kapamilya again.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/2/2009 10:27 AM
Is Jolina Magdangal returning to ABS-CBN?


Happy and excited na si Jolina Magdangal sa mangyayari sa kanya sa 2010. May malaking plano na raw kasi sa kanya ang bago niyang manager na si Perry Lansingan na siyang namamahala ng bagong talent management na PPL Entertainment, Inc. “Secret pa ‘yung mga plan pero, basta, may mga plano kami ni Perry," masayang bungad ni Jolina sa Christmas party ng PPLEI para sa entertainment press. Wala na si Jolina sa mga show niya sa GMA7. Kaya may balitang babalik siya sa dating home studio niya, ang ABS-CBN. “Ah, hindi natin alam. Secret. Pero si Perry ang nakakalaam niyan.” Open ba siya sa possibility na bumalik sa ABS-CBN? “Naman. Parang sa akin kung ano ang kay Perry, dalawa kami doon. Dalawa kami na magde-desisyon.”

Isa si Jolina sa original cast ng TV show na Gimik na muling ibabalik ng ABS-CBN bilang Gimik, The Reunion. Ilan sa mga dating artista ng Gimik ay lalabas ulit sa remake ng dating malaganap na youth-oriented show ng Kapamilya network. Inalok ba siya ng Dos para lumabas sa Gimik, The Reunion? “Nabalitaan ko ‘yun. Mayroon kasi doon na isang member na kaibigang-kaibigan ko, ‘yung anak ni Tito Homer ( Flores ). Pero narinig ko pa lang. Wala pa ako’ng balita kung sinu-sino ‘yung sa dating cast. But so far, si Perry lang ang nakakaalam kung may offer sila sa akin.”

Sa mga balitang kumakalat na aalis na si Jolina sa GMA7 at babalik ng ABS-CBN. May mga nag-speculate naman na kaya aalis ng GMA7 si Jolina ay bunsod ng paglipat ng dating co-talent niya sa Star Magic na si Claudine Barretto sa Kapuso network. “Nino?! Bunsod ang alin? Ay, hindi naman. In fairness naman kay Claudine kailan lang natin nabalitaang itong kay Claud ‘di ba? Sa totoo lang, ‘yung kay Clau-Clau nagulat nga ako, e. So, paano mangyayari na doon iba-base. ‘Tsaka kung halimbawa may mga plan man na gagawin ang ugali namin nina Perry hindi kami nagba-base dahil sa emotions. Nagba-base kami kung ano talaga ang dapat at kung ano ang dapat ilaban.” Pero ano angn masasabi niya sa paglipat ni Claudine sa GMA7? “E, ‘di happy. Kasi naman si Clau-Clau ever since hindi naman kami nagkaroon ng ano niyan or something. Hindi man kami ganu’n super dikit o super duper close, pero hindi naman kami ‘yung nagkaroon ng something na sagutan or whatever. Kahit ano pa ang nangyari, kahit ano pa ang ibato nila, hindi kami nagkaroon ng ganu’n.” May possibility ba na magkatrabaho sila ni Claudine sa isang show? “Why not, ‘di ba? Sa totoo lang, dito sa showbiz umiikot lang talaga. Umiikot lang ang mundo. Lahat naman magkaka-work at magkaka-work pa rin. Dadarating ang panahon na ‘yan.”

Bukod sa excitement ni Jolina sa kanyang career, masaya rin daw ang kanyang puso sa piling nng boyfriend niya na si Mark Escueta. “Oo, ‘yan, o, tumitibok-tibok. Masaya ang buhay, all in all. Kahit na ano’ng sulok mo tingnan sa aspeto ng buhay ko, masaya.” Okay naman sila ni Mark? “Oo, siguro ganu’n kasi minsan kapag dadalaw sa bahay, ‘pag ka habang kumakain, alam mo ‘yun? Parang we have something in common. And, ever since naman hindi naman ako nagkaroon ng lovelife na walang common denominators na pinag-uusapan. Kaya lang ito parang mas ano, mas nagkakaintindihan, parang ganun.” Gaano na ba sila katagal ni Mark? “Hindi ko kasi matandaan kung kailan officially na nangyari ang lahat. Ewan ko po ba, parang ano, basta na lang naramdaman namin na may koneksyon kami, ’yun na ‘yun. Parang hindi na masabi, ‘Ay, kailan ba ang anniversary?’ Hindi ganu’n.” Masasabi ba niya na sa lahat