Fate itself brings Anne Curtis and Sam Milby together

Anne Curtis says that her constant meet ups with Sam Milby during special events are merely coincidental.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/19/2009 1:18 AM
Fate itself brings Anne Curtis and Sam Milby together


Padalas na nga nang padalas mamataang magkasama ang dating magkasintahang sina Anne Curtis at Sam Milby, kaya naman kabuntot nito’y di matapos-tapos na intrigang pilit na nagsasabing muling nagkabalikan ang dalawa. At sa naging paglabas nga ng mga larawa’t video clips ng recent get together ng dalawa sa ginanap na birthday celebration ng renowned designer na si Francis Libiran, higit na napagtibay ang naturang haka gawa na rin ng huling-huling sweet moments nilang dalawa.

Nang muli na naman ungkatin ang naturang isyu, tatawa-tawa na lamang na nagdeny sina Anne at Sam. Ani nga nila, hindi naman na lingid sa kaalaman ng iba ang namumuo nilang friendship ngayon, lalo pa’t matagal din silang hindi nagkasama’t nagkausap after their break up. Patungkol naman sa mga events kung saan sila madalas magkasama, binigyang giit ni Anne that it is a matter of coincidence. Ani nga niya, “It just so happened na kung saan kami nai-invite, parehas kaming nai-invite.”

Regarding the intrigues about pagbabalikan naman, both of them relentlessly deny the said allegation. Ani nga nila, they are hanging out just as friends, and both of them opt to keep it that way—at least for now.

Sadly, taliwas sa inaasahan ng marami, Anne and Sam won’t be spending Christmas together. Si Anne daw ay magse-celebrate ng pasko kasama ang kararating lamang niyang kapatid na si Jasmine; habang si Sam naman ay nagpa-planong umuwi ng US to spend the said special event with his family.