• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes counterattacks on Heart Evangelista's hate message allegation

Cristine Reyes counterattacks on Heart Evangelista's hate message allegation

For the nth time, Cristine Reyes denies the allegations that she sent Heart Evangelista hate messages via SMS.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/18/2009 12:04 PM
Cristine Reyes counterattacks on Heart Evangelista's hate message allegation


Kahapon (Dec 15) ay sinabi ni Heart Evangelista sa SNN na minsan siyang nakatanggap ng hate message mula kay Christine Reyes. Ang dahilan, gawa di umano ng pagiging malapit ni Heart sa dating boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. Pagbibigay diin nga ni Heart kaugnay ng isyung ito, “Before I had a forwarded text. Pina-forward sa akin from a common friend that tigilan ko raw or tantanan ko—the word was tantanan or something—and she (Cristine) was very mad.”

Agad namang pinabulaanan ni Cristine ang alegasyong ito. Aniya, kung mayroon man di umanong ganoong uri ng text ay nakakasiguro siyang hindi para kay Heart iyon, at sila pa ni Dennis noon. Mabilis nga niyang sagot sa isyung nabuksan, “Wala akong text sa kanya. Kung baga, kay Peachy (Ruffa Mae Quinto) ‘yon, so hindi ko siya directly tinext. At saka, ang tagal na nun!”

Sa kasalukuyan, wala naman na raw isyu sa pagitan nina Heart at Christine. Sa katunayan, naging maayos pa nga raw ang unang pagtatagpo nila nitong nakaraang birthday celebration ni Anabelle Rama. Paglalahad nga ni Cristine, “Okay kami. Nakita ko siya, first time kami nagkita sa birthday ni Tita Anabelle. Pinakilala ako ni Richard [Gutirrez], so ‘yon, nag-shake hands kami. Nagbatian kami, sabi ko sa kanya ‘finally.’ Nag-smile pa ‘ko, nag-smile din naman siya sa akin. Alam mo ‘yon, okay kami e.” Kaya naman sa mga taong patuloy pa ring nang-iintriga sa kanila ni Heart, binigyang giit din naman ni Cristine ang pakiusap na tigilan na sila. “Nakakapagod syempre paulit-ulit ka na nage-explain sa tao na tantanan kami. Parang, ‘move on naman o.Naka-move on na kami, kayo di pa nakaka-move on sa isyu namin.”