• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual surprises Ruffa Gutierrez with a rather unexpected compliment

Piolo Pascual surprises Ruffa Gutierrez with a rather unexpected compliment

Last Sunday on The Buzz, Piolo Pascual admits that he doesn't mind staring at Ruffa Gutierrez' beautiful face for 24-hours straight.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/17/2009 8:43 AM
Piolo Pascual surprises Ruffa Gutierrez with a rather unexpected compliment


Nito lamang linggo, hudyat ng isang matinding katanungan mula sa Tough Ten portion ng The Buzz, sinabi ng aktor na si Piolo Pascual na kung mayroon siyang isang taong tititigan sa loob ng 24 oras ay maaaring piliin nito ang talk show host na si Ruffa Gutierrez. Pagkarinig ng naturang sagot, hindi naman maiwasang kiligin ang nabanggit na host na aminado rin namang may crush kay Piolo noon pa man.

Sa isang maikling panayam nga sa SNN, ibinahagi ni Ruffa ang naturang insidenteng ito. Ipinaliwanag niyang hindi talaga niya inaasahan ang naturang sagot ng binata kaya naman siya raw mismo noong mga oras na iyon ay medyo na-conscious na. Ani nga niya, "Oo nga, nagulat ako. Pero that's nice, at least he's saying nice things about me. Thank you Piolo."

Nang tanungin naman siya kung posibleng umpisa ng isang magandang romantikong relasyon ang naging rebelasyong ito ni Piolo sa kanya at sa buong mundo, higit namang nagulantang si Ruffa. Paggigiit nga niya, "Wala naman! Ikaw naman over ka naman napaka-excited. Sa ngayon, good working relationship and friendship lang kami. Di kami masyadong magka-close e, pero at least unang pagsasama namin maganda."