Zaijan Jaranilla renews contract with ABS-CBN

Zaijian Jaranilla assures his supporters that there will be a lot more to watch out for in May Bukas Pa including a guest appearance by Judy Ann Santos.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/16/2009 11:42 AM
Zaijan Jaranilla renews contract with ABS-CBN


Noong Lunes, Disyembre 14 ay pumirma ng kontrata ang child superstar na si Zaijian Jaranilla, o mas kilala bilang Santino sa primetime soap opera hit na May Bukas Pa. Naroon din sa contract signing sina ABS-CBN TV Production Head Cory Vidanes, Business Unit head na si Deo Endrinal, ang manager ni Zaijian na si Bryan Ancheta at ang ina ng child actor. Ang pinirmahang kontrata ni Zaijian ay para sa isang taon sa telebisyon.

During the contract signing nagbiro pa nga si Vidanes na kung nagulat sila sa May Bukas Pa ay maghanda ang mga tagasubaybay ng batang artista sa susunod na TV project niya. Pero wala pang detalye kung ano ito. Dati nang napaulat na gagawa ng pelikula si Zaijian with Piolo Pascual pero wala pa ring definite date kung kelan ito mangyayari.

Samantala, nabanggit naman ni Endrinal na ang susunod na special guest sa May Bukas Pa ay ang teleserye queen na si Judy Ann Santos, pero hindi pa umano sila nakukunan ng eksena. For this week naman ay ang kontrobersyal na aktres na si Krista Ranillo ang featured guest sa nasabing teleserye.

Supposedly ay hanggang Enero 2010 lamang ang May Bukas Pa pero may posibilidad umano na ma-extend pa ang primetime hit na ito dahil sa sobrang success nito. Sa pakikipag-usap ng ABS-CBN.Com kay Bryan Ancheta, manager ni Zaijian, ipina-block ng TV production ang schedule ni Zaijian until February.

Sobrang thankful naman ni Zaijian sa pagre-renew ng kanyang kontrata at lubos ang pagpapasalamat sa mga tagasubaybay ng kanyang programa. Sinabi pa ng bata na marami pa umanong aabangan sa May Bukas Pa.

Dream umano ni Zaijian ngayong Pasko na makabalik siya sa Hong Kong Disneyland kung saan ito ang ibinigay na treat sa bata ng ABS-CBN. Sa New Year naman ay gusto namang makauwi ng child actor sa province niya sa Marinduque dahil nami-miss na umano niya ang mga naiwang kalaro at mga kamag-anakan doon.