• Home
  • Fresh Scoops
  • Gab Valenciano says he and Rachelle Ann Go are friends again

Gab Valenciano says he and Rachelle Ann Go are friends again

Parting ways were difficult but Gab said he treasures his friendship with Rachelle Ann and doesn't want it to go to waste.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/16/2009 8:28 AM
Gab Valenciano says he and Rachelle Ann Go are friends again


Si Gab Valenciano ang nanalo sa Aliw Awards bilang Best New Male Performer, an award his dad, Gary Valenciano won too, some twenty four years ago. ABS-CBN.com joined Gab in celebrating this feat at doon ay proud niyang ipinakita ang kanyang award sa chosen members of the press na naroon.

Sa panayam pa rin kay Gab, nabanggit niyang abala siya sa pagpapagtayo ng kanyang sariling studio sa may bandang Eastwood, more or less, 3 milyon na raw ang nagagastos ni Gab kasama na ang mga equipment at ibang gamit na galing pa sa Estados Unidos. Aniya, bukod sa pagpe-perform sa concerts, balak ni Gab na mag-produce ng sariling album at ito ay sismulan na sa kanyang studio ‘pag natapos na ang lahat ng kailangan dito. Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa mga gagawin niyang proyekto tulad ng writing songs and producing an album, tinanong namin si Gab kung possible bang gawan pa rin niya ng isang awitin ang dating girlfriend na si Rachelle Ann Go, kahit naghiwalay na sila ng landas? “Well, dati we thought of working together, pero ngayon we’ll see kung pwede pa rin kasi I can stil write a song for her pa naman kahit wala na kami eh,” sabi pa ng singer na aminadong espesyal pa rin ang dating nobya sa kanya.

Nagbukas na rin lang ang topic about Rachel, tinanong namin si Gab kung paano nila na-maintain ng singer ang kanilang friendship kahit wala na silang relasyon? Aminado si Gab, it wasn’t that easy. “Nu’ng una talagang mahirap, masakit para sa aming dalawa. Pero hindi naman pwedeng we’d stay away from each other forever kaya we decided to talk things out.” Paano nila naayos ni Rachelle ang mga bagay-bagay , how did they evolve from being ex-lovers to being friends again? “I called her one day and asked if we could talk. She said yes. Doon na kami nagsimulang mag-usap uli, we agreed to keep the friendship that we have now.”

Aminado si Gab, malaking bahagi ng buhay niya si Rachel Ann, isang espesyal na bahagi ng buhay niya na hindi niya basta-basta maitatapon ng ganoon na lang. Tinanong naming si Gab, if he is if he is dating now? “Since I broke up with Rachelle, there hasn’t been anyone yet.” When asked how would he feel kung sakali mang malaman niyang may iba nang dini-date si Rachelle? “I admit, I would be really affected.”