• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban is very thankful for the blessings of 2009

Angelica Panganiban is very thankful for the blessings of 2009

Whether it be her love life or career, Angelica is happy that everything in her life is falling in its rightful place.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/16/2009 8:42 AM
Angelica Panganiban is very thankful for the blessings of 2009


Si Angelica Panganiban ang bidang babae sa pelikulang I Love You Goodbye (official entry ng Star cinema para sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko) kung kaya’t pinaghandaan talaga ni Angelica ang karakter niya rito. Sa solo press con ang aktres, sinabi niyang handa na raw sa mas mabibigat na karakter na kailangan niyang gampanan. Para kay Angelica, ito na raw ang tamang panahon para mas maipakita niya ang talento at kung ano pa ang kaya niyang ibigay sa pag-arte. Aniya, she wants to explore and she’s hungry for more roles na mas mapapansin siya bilang aktres.

Sabi pa ni Angelica, maging ang kanyang direktor na si Laurice Guillen ay nagulat din sa naging performance niya rito. Naging direktor ni Angelica si Direk Laurice sa Santa Santita, pero at that time she was only sixteen when she did that movie. May mga restrictions pa raw siya at marami silang pinagdaanan bago nila nagawa ang pelikulang ‘yun. Pero this time iba na. She’s more daring than ever, may shower scene pa nga raw sina Angelica at Gabby Concepcion, take note.

Tinanong din namin si Angelica kung naging kumportable ba siya while doing that scene with Gabby knowing na mas bagets siya sa aktor. Sabi niya, hindi siya nahirapan dahil may bonding na sila ni Gabby, nagkasama na raw sila sa isang teleserye before. Dagdag pa ni Angelica, si Gabby pa nga raw ang medyo kabado sa mga eksena. Siyempre, first movie rin ito ng aktor after so long at maganda pa ang material. Isang Laurice Guillen masterpiece.

Kinumusta rin ng ABS-CBN.Com ang tatlong taong relasyon ni Angelica kay Derek and sabi naman ng aktres na they are going strong at masaya ang pagsasama nila. “Marami kaming pinagdaanan ni Derek, bago namin nalampasan ang mga pagsubok, kaya ngayon kahit ano pang sabihin nila, makakaya na lang naming tawanan ang mga intriga. Ganoon na katibay ang tiwalang meron kami sa isa’t isa.” Masaya rin si Angelica sa pagtanggap at relasyon na mayroon siya sa pamilya ni Derek. Kinuwento ng aktres, pinaparamdam daw ng mga magulang at kapatid ni Derek na tanggap siya sa pamilya at mahal na mahal siya nila. “Pag weekends o ‘pag hindi kami gaanong busy, binibisita namin sila sa Tagaytay at malamang ganoon na rin ang mangyayari sa Christmas day after ng parade (MMFF). Siyempre, ang Noche Buena is with my family at saka magsi-celebrate din kami with Derek’s family sa Tagaytay.” Obviously, maligaya si Angelica sa piling ni Derek. Biniro nga namin siya, sa tingin ba niya siya na talaga ang huling babae sa buhay ni Derek? “Oo naman. Matanda na siya, ‘wag na siyang maghanap ng iba, noh!” sagot ni Angelica habang natatawa.

Sa aspeto ng love life, sa career, everything seems to be doing well for Angelica. In fact, bukod sa I Love You, Goodbye, she’s busy doing Rubi and Banana Split. Si Angelica ang bida sa Ruby at ipapalabas ito early 2010 with Jake Cuenca as her leading man. ABS-CBN.Com asked Angelica kung ano pa ba ang kanyang mahihiling gayung everything is falling into place sa lahat ng aspeto sa kanyang buhay. “Kung may mahihiling man ako, ito ay ‘yung pagtibayin pa ang health ko. Sakitin kasi akong tao, madali akong magkasakit lalo pa’t sa trabaho natin ang kalaban ay puyat at pagod , kaya kung anu-anong bitamina ang ini-inom ko. Mahirap nang magkasakit lalo pa’t marami tayong ginagawa.”