• Home
  • Fresh Scoops
  • Fernando Poe Jr.'s family and friends commemorate his 5th death anniversary

Fernando Poe Jr.'s family and friends commemorate his 5th death anniversary

It has been five years FPJ's passing, but up to this day, his daughter Mary Grace Poe-Llamanzares says she could still feel the freshness of their great loss.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/15/2009 8:53 AM
Fernando Poe Jr.'s family and friends commemorate his 5th death anniversary


Ngayong araw (December 14) ang ika-5 taon ng pagkamatay ng premyadong aktor at nag-iisang 'Da King' ng showbiz industry na si Fernando Poe, Jr.; at kaugnay nito'y sabay-sabay na ginunita ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at dating kasamahan sa industriya ang naturang okasyon sa pamamagitan ng isang maikli ngunit madamdaming misa sa tabi ng kanyang puntod sa Manila North Cemetery.

Matapos ang naturang makahulugang paggunita, nagpaunlak ng isang maikling panayam sa SNN ang anak ni FPJ na si Mary Grace Poe-Llamanzares upang ihayag ang di pa rin nawawalang pangungulila niya sa ama. Mabilis man daw lumipas ang panahon, nananatili pa rin di umanong sariwa sa kanyang isip at damdamin ang laki ng kawalan nila kasabay ng pagpanaw ng kanilang ama. Ani nga niya, "Siya (FPJ) talaga source namin ng strength e. Kaya nung nawala siya, nagpakalakas talaga kami dahil alam naming wala na kaming matatakbuhan na magpapalakas sa amin."

Ganito rin naman ang naging saloobin ng apo ni Da King na si Brian Llamanzares. At para nga di umano mabawasan ang ganitong uri ng lubos na pangunguliala'y minamabuti na lamang ng pamilya nilang panatilihing buhay ang alaala ng kanyang lolo, not only for themselves but for all FPJ fans and supporters as well. Ngunit nang personal naman siyang tanungin kaugnay ng plano niyang sundan ang yapak ng kanyang lolo, both in showbiz and politics, binigyang giit niyang maaring ang takdang oras nito'y after college na. Paliwanag nga niya, "They (his family) always say, 'Education first. Your grandfather would have wanted that.'"

 

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback Web